Ginising ako ng kanta na ‘to kaninang umaga. Ang lakas ng soundtrip ng kapitbahay namin. Napayosi ako agad kahit wala pa akong kinakain dahil nainis ako.
Paulit-ulit lang ang chorus kaya lalo ako nabwisit. Hindi ko na inubos ang yosi. Tatlong hits lang ata yun tapos derecho tapon. Bumababa ako pero walang tao. Wala na naman akong kasama sa bahay and as usual, hindi ko alam kung saan na naman sila nagpupunta.
Dumating ang pinsan ko. Kinamusta ako, bilang kasama ko siya na gumimik kinagabihan. Lasing daw ako. Pero wala akong maalala. Kaya siguro nga, lasing ako. Pero hindi ko siya pinansin. Nagyaya na naman siya mamayang gabi. Hindi ko alam kung sasama ako. Para kasing gusto kong matulog ng maaga. Ayaw ko gumising ng mga 11 dahil sobrang banas akala ko pagmulat ko nasa impyerno na ako. Leche.
Nangako ako ng pagetext sa pinsan ko. Bahala siya. Bahala na rin ako kung tutuloy ako. :/
Kumain ako ng tanghalian sa labas. May nakita akong kaklase noong high school. Hindi niya ako pinansin kaya hindi ko na rin siya pinansin. Wala akong pakialam sa kanya. Pota.
Hapon na ng dumating ang mga magulang ko. Nagshopping pala sila. Ang daming bitbit ng kapatid ko na laruan. Linshak. Magkakalat na naman siya sa bahay. Kawawa na naman ang maid namin. Ang daming pinamili ni mama sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Ang daming shorts, bago. May dalawang pants tapos 2 t-shirt at 3 na polo shirt. Hindi ko pa nakikita hanggang ngayon yung mga binili. Tinatamad ako. Pero dahil dun, may na-realize ako.
Oo nga ano. Sunod talaga ako sa layaw. Mas nakakaangat nga talaga ako. Dapat hindi ko na dinedeny. Pakiramdam ko, nakakasakit ako kapag dinedeny ko eh. Feeling ko lang naman. Pero hindi naman porket ganun, magmamayabang na ako, o aabuso ako sa mga magulang ko. Malaki na ako. Dapat alam ko na mahirap kitain ang pera. Haaaay.