KAALAMAN
SINO AKO?
Mabuhay! Ako si Cecille Ann V. Merlin. Ako’y nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at pinagtalaga kami upang malaman aming Barangay at ang Disaster Risks and Managament nito. Tara! Tukuyin natin ito!
Saan nga ba banda ang “San Pedro West, Rosales, Pangasinan?”
“According to PhilAtlast.com, San Pedro West is a barangay in the municipality of Rosales, in the province of Pangasinan. Its population as determined by the 2015 Census was 1,954. This represented 3.10% of the total population of Rosales. The population of San Pedro West grew from 1,496 in 1990 to 1,954 in 2015, an increase of 458 people. The latest census figures in 2015 denote a negative growth rate of 2.87%, or a decrease of 323 people, from the previous population of 2,277 in 2010. San Pedro West is situated at approximately 15.8962, 120.6370, in the island of Luzon. Elevation at these coordinates is estimated at 36.9 meters or 121.1 feet above mean sea level.” It is also, located on northern luzon.
Source: San Pedro West, Municipality of Rosales, Province of Pangasinan. (n.d.). Retrieved from https://www.philatlas.com/luzon/r01/pangasinan/rosales/san-pedro-west.html.
PAGDAKO
Noong ika-30 ng Nobyembre, ako ay dumako sa aming Barangay Hall at gumawa ng interview kasama ang Barangay Kagawad na si Gng. Lorna T. Fadriquela.
Si Gng. Lorna T. Fadriquela, ay sa isang taon pa lamang namamahala sa Barangay bilang Barangay Kagawad. Nanalo siya noong Nakaraang taong eleksyon. Tamang-tama din na siya ang aking ininterview sapagka’t galing din siya ng seminar patungkol sa DRRM.
MGA BANTANG PANGANIB
Source: San Pedro West, Municipality of Rosales, Province of Pangasinan. (n.d.). Retrieved from https://www.philatlas.com/luzon/r01/pangasinan/rosales/san-pedro-west.html.
Aking nalaman na ang madalas tumama na kalamidad sa aming lugar ay Bagyo. Ang pinakamalakas ng Bagyo na tumama sa aming lugar ay ang Bagyong Pepeng noong taong 2009. Ayon kay Gng Lorna, dito naipakita saaming lugar ang bayanihan at pagkakaisa ng mga tao sapagka’t nagpatuloy sa mga bahay-bahay (mga may bahay ng 2nd Floor) ang mga tao upang matulungan ang mga may bahay na nakapwesto sa mga mababang lugar. Noong panahong ito, wala pang evacuation center na pwedeng pagtuluyan ng mga tao.
Isa pa sa mga panganib na nararanasan ng aming Barangay ay ang lindol. Ayon kay Gng. Lorna, malimit lamang magkalindol saaming lugar ngunit lagi namang handa ang Barangay tuwing nagkakaroon.
Tuwing may bagyo naman, palaging tinitignan/binabantayan ang mga ilog na malapit sa aming lugar upang malamn kung kailangan an bang lumikas ng mga taong nasa paligid nito, at maghanda.
Nalalaman ng mga Barangay Officials kung may paparating na kalamidad sa aming lugar sa pamamagitan ng Radyo o kaya naman sa telibisyon. Pinapalikas na nila ang mga tao kung may mga anunsiyo na mula sa LGU o Local Government Unit ng aming Bayan.
Capacity and Disaster Management
Ang ginagawa ng Barangay at pamayanan tuwing may paparating sakuna ay sinasabihan na agad ang mga tao sa aming lugar, kung biglaan naman kagaya ng lindol, nagkakaroon sila Earthquake Drill para may karanasan o pagsasanay sa kung anong gagawin ng mga tao kung may mangyari mang mga sakuna.
May nakalaang BDRRMC FUND INVESTMENT PLAN ang aming Barangay na siyang nagkakahalaga ng 124,714.00 Pesos. Ayon kat Gng. Lorna, Balak nilang bigyan ang kada bahay ng pito, flashlight at iba pang bagay na maaring makatulong tuwing may sakuna. Naglalaan din sila ng mga pagkain, kung sakaling may mga kalamidad na darating.
Sa kasalukuyan, ang mga programa ng barangay ay pagdalo sa mga seminar patungkol sa paglikas. Sa loob naman ng Barangay Hall, mayroong CCTV na siyang makakatulog kung ay mga aksidenteng mga nangyari.
Mayroong ding mga volunteers, at mga Barangay Tanod na siyang tumutulong upang magkaroon ng ligtas na pamayanan.
Eto naman ang mga taong namamahala patugnkol sa mga Sakuna na mangyayari at nangyayari sa aming lugar. Sila ang mga nangunguna upang gabayan kaming mga lokal. Sabi din ni Gng. Lorna, may mga kabataan ding tumutulong o nagvovolunteer para sa komunidad.
Vulnerability, Elements, and People at risk Assessment
Ayon kay Gng. Lorna, ang bahagi kung saan may pinakamatinding pinsala na lugar sa aming Barangay ay ang mga mababang lugar nito at ang mga bahay na malapit sa ilog, sapagka’t kapag umulan maari silang bahain at kapag umpaw naman ang tubig mula sa ilog, maari silang maapektuhan at bahain din.
Patungkol naman sa serbisyong pangkabuhayan, lipunan at imprastaktura ng aming pamayanan, nakakaapekto dito ang mga pananim ng mga magsasaka. Sa aming lugar, kalat ang pananiman at mga lupa at halos ng mga tao ay pagsasaka ang trabaho . Kapag ay malakas na ulan, nababaha ang mga lugar na ito at kung bagyo naman, nahahangin ang mga palay na siyang ikinasisira ng mga ani.
Ang evacuation center ay isa sa mga pinaka-ligtas na lugar sa aming pamayanan. Pinagtutuluyan ito ng mga taong pinapalikas dahil sa mga sakuna. Bagong gawa lamang ito, at unang beses ko din ito nakita noong simahan ako para sa Community walk.
Ang Basketball Court (open area) naman na ito ay isa din sa mga ligtas na lugar ng aming pamayanan. Kapag may lindo, diyan pumupunta ang mga tao dahil ito open space at malawak.
Isa din ang Barangay Hall, sa mga ligtas na lugar. Ayon kay Gng. Lorna, kapag wala ng puwesto sa loob ng evacuation center, ipinupunta nila ang mga tao dito.
Patungkol naman sa mga lugar kung saan hindi ligtas at delikado, hindi ako pinayagan na papuntahin ni Gng. Lorna sapagka’t delikado na raw ito ngayon. Ngunit, noong mga circa 2014, nakapunta na ako sa isang ilog saamin na siyang delikado at umaapaw pag bumabagyo (tignan ang piktyur sa itaas). May hanging bridge ito sa taas na siyang tinatapakan ko sa larawan.
MGA SULIRANIN
Isa sa mga suliranin na aking nakita ay walang gaanong kabuhayan at nakapokus lamang sa pagsasaka ang mga tao. Kaya naman madaling bahain ang mga mababang lugar sa aming pamayanan dahil kulang sa paglilinis at hindi gaanong strikto ang implementasyon patungkol sa mga basura
Tuwing may bagyo na tumama sa aming lugar, ang mga pananim ng mga magsasaka at ang ekwelahan ng aming pamayanan ang naaapektuhan. Ngunit, sa pagtutulungan at pagbabayanihan ng mga tao sa aming lugar, nalalagapasan namin ito at umuuwing may ngiti sa aming mga labi.
Sa makatuwid...
MGA LIGTAS NA LUGAR
Ang Evacuation Center;
Ang Barangay Hall at ang;
Basketball Court
MAPANGANIB NA LUGAR
Isang Hazardous place naman na aking napuntahan na noong 2014 ay isa sa mga ilog na malapit sa aming pamayanan.
Sa ibaba ng Hanging Bridge ang ilog.
-----------
Dito na nagtatapos ang Kaalaman patungkol sa aming lugar (Barangay San Pedro West, Rosales, Pangasinan) at kung paano kami maghanda at bumangon sa mga Sakuna. Ngayon ikaw ay may KAMALAYAN na.












