The Social Movement and the Current National Political Scene
Ito ang katagang sumagi sa aking isipan matapos kong pakinggan ang mga nag-ulat para sa pinaka huling presentasyon. Isa na namang mapagmulat na pangyayari ang muling kukurba sa aking isipan.
Maituturing na mayaman ang kasaysayan ng Pilipinas pagdating sa tradisyon at kultura maging sa pulitika. Mula sa mga labanan at kilusang panlipunan lalo na ang tanyag na “People Power” na naganap upang pabagsakin ang Marcos Dictatorship - kung saan gumawa ng ingay ang taong bayan at nagsanib pwersa upang pabagsakin ang sistema noong rehimeng Marcos. Malaki ang naging epekto ng social movement na ito sa pagbago ng sistema sa ating lipunan at sa pagmumulat ng katotohanan.
Ngunit taliwas ang mga ganitong pangyayari para sa mga nakaupo sa pwesto ng mga lider na pilit tinatakpan ang mga baho nila sa lipunan. Ang kilusang panlipunan ay maituturing na isang mapagpalayang paraan sa mga mapanlinlang na pamamahala ng mga naghaharing-uri. Kung kaya’t pilit na dinudungisan ang imahe at pagkakakilanlan ng mga indibidwal o organisasyon na nakikiisa sa pagpapabagsak at paglalabas ng mga baho ng gobyerno. At dahil sa mga kilusang ito, pilit na ipinamu-mukha ng gobyerno na ang pagsali sa mga organisasyong taliwas sa kanilang pamumuno ay walang magandang maidudulot. Hindi na katakataka kung bakit nagkaroon na ngayon ng isang malawakang stigma na walang magandang naidudulot ang pagiging isang aktibista. Gagawa at gagawa ng ingay ang taong bayan hanggat ang sistema ng lipunang ginagalawan nila ay nagbibigay ng palpak at hindi makatarungang serbisyo, marahil ay hindi naman ito makakalimutan ng mga namumuno sa ating bansa sapagkat malakas ang pwersa ng taong bayan kaya’t nakikita nila ito bilang isang malaking balakid sa kanilang pamumuno.
Unang sinubukan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang tinatawag na “Cha-Cha” o Charter Change. Sinasabing naglalayon itong makapag-bigay ng trabaho at pagkakataon upang makabalik ang ilang milyong OFW’s sa bansa. Ngunit ang pagbabago ng konstitusyon ay dapat na isinasagawa kung kakaupo mo pa lamang sa posisyon, dahil maaaring ang layunin nito ay pahabain ang termino ng isang pangulo kung ito ay isasagawa kapag malapit ng matapos ang kaniyang termino. Muling sinubukan ni Dating Pangulong Estrada ang “Cha-Cha”, ngunit dahil sa pagkasilaw sa salapi ay naging sakim siya. Ipinatupad niya ang CONCORD ( Constitutional correction for Development) – kung saan tinanggalan niya ng pagbabawal sa pag angkin ng mga foreign lands. Nakasuhan rin siya ng Plunder matapos niyang tumanggap ng pera mula sa jueteng o illegal gambling.
Masasabi kong epektibo at malakas ang pwersa ng kilusang panlipunan (social movement) sa pagmumulat sa taong bayan ng totoong kalagayan ng Pilipinas. Ngunit dahil ito ay nagiging isang balakid para sa mga nakaupo sa pwesto, dito nagaganap ang red tagging na walang naidudulot na maganda ang pagiging isang aktibista o ang pagsali sa mga organisasyong lumalaban at inilalabas ang baho ng gobyerno. Naging malaking epekto ang social movement sa pagbabago ng sistema sa ating lipunan – isang halimbawa na lamang ang People Power. Kaya’t sa aking palagay, palihim pa rin na kinatatakutan ng gobyerno ang mga raliyistang lumalaban para sa kanilang karapatan.