Lagi kong sinasabi na ayaw ko sa mga beach. Hindi ko sigurado kung bakit. Pero siguro'y dahil lagi ko 'tong naaassociate sa ingay, sa madaming taong nag-uusap, nagkukulitan sa ilalim ng mainit at nakakasunog na araw. Dapat laging may masaya at nagbibiruan, dapat may ganap at dapat may positibong maramdaman. Kung wala nitong mga 'to ay kulang. Lahat yan ay nasa isip ko lang. Hindi ko talaga sigurado. Siguro ayoko lang talaga.
Pero paminsan napadaan ako sa isang beach at naglakad nang mag-isa, nang tahimik, naisip ko, "ok naman pala". Depende nga pala talaga sa laman ng puso no? Depende sa laman ng puso, kung paano nakikita at naiintindihan ang mga bagay.
Sana, ayos lagi ang laman ng akin, para patuloy kong ma-appreciate ang buhay. Pero imposible
Ay mali, erase. Sana nalang pala, bigyan ako ng tapang, matanggap at maharap kung ano man ang laman nito: saya, lumbay, pait, inspirasyon, panghihinayang o galit. Na maintindihan na hindi kinakailangan laging ma-appreciate ang lahat, Na masmakabubuting matanggap lahat ng katotohanang kaakibat nito, para masmayakap ng buo lahat ng grasyang nakahanda pa sa bukas na padating.
Ok lang pala na ayaw ko sa beach. Ok lang din kung minsan ay ok lang. 😅

















