Meron kami bata sa bahay, si Toto. Two years old pa lang naman, pero kung katawan lang basehan, he can be 5. Matapang. Lahat kami nabubully nya. Haha. Pati tuloy ang walang malay na asong si Damak, Mak2x for short, napagtripan. Ayun pinalo ni Toto, eh nagalit yung aso. Being the dog he is, madali nya nakagat yung kamay ni Toto. Hindi naman dumugo pero very visible ang bite marks. So dinala namin ang kawawang si Tioto sa bite center para mabigyan meds. 4 shots lahat. Pero dahil alam kong ang title ng post na to ay Tandok chronicles, syempre kelangan ko ikwento ang next part ng health care regimen ng bata. Haha. Kanina around 4 pm, bumyahe kami para magpatandok (refer to pic before nitong post sa blog page ko). Siguro pag sa city ka na lumaki at medyo sosyal ang health mgt mo, posible hindi mo alam ano yan. Tandok? Weird word noh. Pero para sa amin on this side of the globe, uso kasi yung mga ganyan, lalo na sa pamilya. Parang albularyo work. Papalabasin yung rabies sa katawan. Manual ha, or magic2x rin para mas absurd. Haha. Usually, ang gumagawa ng tandok, gumagamit ng kung anik-anik na sungay, dahon, powder, ewan marami pang kaweirduhan. Imagine this ha. Kunwari kinagat ka, tapos you have three bite marks na visible. Eh sa isang mark, isang sungay daw yung kailangan, and each sungay costs 150 php. O diba. Ang galing ng negosyo nila. So bale sa 3 marks na yun 450 agad babayaran mo. Yung sugat mo, susugatan pa para lumabas ang dugo. Itutusok lang yung sungay sa butas or sugat or whatever tapos yun na, nalabas na daw ang rabies. Oha. Sabi sa inyo magic talaga. Haha. Well, iba ang style ng pinuntahan namin. No incisions of any kind made. Medyo scary kasi matanda na tapos ang gamit nya kutsilyo, tapos ang tremors nya malala slight. Ginawa nya, pinahid-pahid nya yung knife sa kamay ni Toto, downward motion, while chanting something. Hindi ko marinig pero judging by the way gumalaw ng mabilis bibig ni Tatay manggagamot, eh malamang may kinakausap sya o dinasalan. Tapos nun sabi nya samin yung rabies daw hindi pa naman kumalat masyado. Parang doctor lang na nagsabi ng diagnosis sa patient. Pero what made it unusual than the whole Tandok business is that hindi sya nagpabayad. Not even a cent. Pero tumatanggap sya pag food or any supplies na kailangan sa bahay. Hindi dahil ayaw nya lang, pero kasi daw pala bawal ang monetary payment. Kasi daw pag nangyari eh ibabalik daw sa kanya yung rabies na pinalabas nya sa client nya. Creepy crazy. Seems like meron siyang “friend” na tumutulong magtandok. At dahil sa haba ng story kong to, pasensya na kung naaksaya ko oras mo. Hehe. Wala lang. Kasi people in barrios still believe in stuff like this eh. Andami pang superstition and tradition that are upheld to this day. You’d probably wrinkle your nose in disbelief if you are a skeptic to these things, pero I tell you, wala rin namang nawawala samin pag nagpapaalbularyo kami eh. Basta ba maging assertive lang. Malalaman din naman kasi pag fraud yung tao, either pag nagpabayad ng malaki, or may mga direct threat na sa safety ng tao. Pero at the bottom of it hindi pwede magrely sa ganito exclusively. Let science do its part, too. Mabuti na yung sigurado. Ang weird lang ng post na to, sorry.