Crush, payagan mo na akong manligaw. May naisip na akong pangalan sa magiging anak natin.
seen from China
seen from United States
seen from Iraq

seen from Iraq
seen from India
seen from Russia
seen from United States
seen from Ukraine
seen from Taiwan

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States

seen from Iraq
seen from United States
seen from Iraq
seen from United States

seen from United States
Crush, payagan mo na akong manligaw. May naisip na akong pangalan sa magiging anak natin.
Sa panliligaw, mahirap maghintay sa wala.
Pero mas mahirap maghintay sa parang meron.
Bakit may mga ganitong girls? Taena niyo! Di ko naman nilalahat ah. Sinabihan mo na nga or pinaparamdam na walang pag asa tas pag huminto sasabihin mo na sinusubukan mo lang. Taena ka! Ano gusto mong gawin namin, habol habulin ka? Magmakaawa na magustuhan niyo rin kami? Ok lang naman na sabihin niyo na walang pag asa tas stop na kami. Pwede rin namang sabihin niyo na try natin.
Panliligaw is a Filipino term for traditional courtship.
You
Ito yung unang salita na nagkasundo tayo. Hindi ko akalain na nanunuod ka pala nito. As I judged you, hindi mo trip yung mga gantong series kasi akala ko maka K-drama ka. Sabi ko sa sarili ko na kapag hindi ka nagchat nung araw na nagchat ako, alam ko meron ng iba o talagang goal driven ka lang sa career mo. Salamat! kasi binigyan mo ako ng pagasa mahalin ka!
Panliligaw kuno.
Ano bang gusto niyo? After niyo “manligaw” for almost a week or so, dapat magustuhan na kayo nung nililigawan niyo? Paalala lang ha? Yung panliligaw ay panunuyo. Sinusuyo mo yung taong gusto mo pero put tang in a bottle naman people, ano? Ang relationship, hindi iyan pwedeng instant. Hindi iyan noodles o kape na kapag gusto niyo na magkajowa, manlandi lang kayo at “manligaw” ng ilang araw eh dapat maging kayo na, na dapat gusto ka na niya. Karamihan kasi ngayon sa mga “nanliligaw,” after courting the person for a couple of days or so, gusto nila sagutin na sila agad; kapag hindi sila sinagot, magtatampo at gagawin yung guilt tripping technique. Please lang, utang na loob. Hindi dapat ganoon. Aminin na natin na kung sino ang nanliligaw, siya talaga yung humihingi ng atensyon nung taong sinisinta niya; siya talaga yung gustong maging bahagi o parte ng buhay nung taong nililigawan niya; siya yung kailangang mag-tiyaga; siya yung mas susugal at mas masasaktan kung hindi man maibalik yung pagtingin niya. Oo, yung nanliligaw, malamang eh magmumukhang tanga ‘di ba? Kasi gusto mo magpa-good shot eh. Kasi gusto mong maging masaya yung sinisinta mo. PERO tandaan natin, wala tayong karapatang i-demand sa kanila na mahalin tayo pabalik. Kusa tayong nagbigay, kusa tayong ginawa ang mga bagay-bagay. Oo, napaka-martyr ng datingan pero ganoon talaga. Kaya nga kung tingin mo para ka nang tanga? TUMIGIL KA NA. MOVE ON. OKAY? OKAY.
AGAIN, ANG PANLILIGAW AY PANUNUYO. SINUSUYO MO YUNG TAONG GUSTO MO. HINDI KA NAGDEDEMAND NA MAHALIN KA PABALIK. MAGKAIBA IYONG KUSANG IBINIGAY SA IPINILIT MONG IBIGAY SA IYO.
Siguro kaya tinawag itong “Panliligaw” Dahil ililigaw ka n'ya sa huwad na katotohanan, Kung saan ang lahat ay pakitang tao lamang, At wala ni isa ang totoo sa pinakita n'ya.
Flee, Let Me Die.
QUOTE #4299:
Ang guys laging nagtatanong, "Pwede bang manligaw?" O kaya naman, "May pag-asa ba ako kung liligawan kita?" Bakit ganun ang sinasabi nila? Hindi ba nila pwedeng sabihin na, "Liligawan kita, sagutin mo man ako o hindi, mapatunayan ko lang na mahal kita."