Hindi siya Sarah na nagbabalat ng patatas ah.
Hindi din siya yung isa sa coach sa The Voice.
She’s a student. A BAB student.
Whom I was stunned when I first saw her. I didn’t know her name before.
Nung nakita ko siya sa Taza Mia,
“Ay ang cute.”
Tapos friend pala siya ng isa sa bff ko. Sinabi ko sa friend ko na ang cute niya. Sabi ng friend ko “May girlfriend yon.”
Sabi ko “Ah okay. Cute pa din naman. Hahaha”
Then months passed by, I think a year na. Ha ha
2015, CAS week.
Yung huling kita ko sakanya sa Taza Mia ang tagal na nun. Ngayon ko nalang ulit siya nakita. Ang cute niya talaga. Ang “pogi”.
Sabi ko sa friend ko na tropa si Sara “Bebe ang cute talaga non. Crush ko talaga yon.” Nagulat siya. Eh ako din nagulat. Idc if we do have a same gender.
Love has no gender ❤️ (ay love agad, harot ko)
Then ayun that time dun ko lang nalaman na Sara pala name niya. Kami kami magkasama nun nag “two-fie” kami ni Bebe nahagip siya. Eh mapangasar to si Bebe isinama si Sara, eh di ako tuwang tuwa. Ha-ha.
Nung gabing yon di siya naalis sa mata ko. Tapos hanggang sa huli nagkasama-sama ulit kami. Ako lang ETY na student, pero kilala ko mga kasama niya gawa ng volleyball and isa ko sa council na nghandle ng Miss MCL. Ay kaloka, nakatabi ko sa upuan. Di ko naman sinasadya eh. Si Bebe talaga may gawa. Hahaha pero syempre saya ko diba. Haha tas bumulong sakin si Bebe “Picturan ko kayong dalawa, ano?!”
Sabi ko “Asa ka, ang FC ko na nga e. Hahaha di naman kami close nakakahiya”
Aba competitive. Lakas sumeg-way tinawag si Sara infairness nagpapic din naman lakas toyo din. Hahaha eh di wow ako masaya. Hahaha
Eh di ayun after nun hinanap ko Facebook niya ang hirap hanapin ha. Tas iba pa pangngalan sa FB.
Ini-stalk ko. Huhu ang creepy ko. Hahaha tas friend niya pala si Anelsk. Ka-TM ko na sobrang bait ng batang yon pero malakas din saltik. Hahaha
Simula nung gabing yun di ko na ulit siya nakita.
Days passed. Nabanggit ko kay Anelsk. Sabi ko “Kaloka tropa mo pala yung crush ko.” Eh di naghulaan kami. Eh di sinabi ko na. Sinilip namin sa room eh. Hahaha matatapos ba term, katabi lang pala namin room nila 😪 :/
Aba akala ko tatahimik tong tropa kong to. Aba hindi! Lakas ng trip sa Twitter. Kasi alam niyang gusto ko talaga si Sara. Basta ang bait kasi, the way she treat her friends and her family. She do really love her family, as I see their pictures, full of happiness within their eyes. Kaya sobrang nakakainlove tong taong to eh :)) (sorry stalker talaga eh. HAHA creepy ko) And the way she wants to be successful in the future, ehem DL and sobrang sipag talaga. Sabi ko sakanya(kay Anelsk) maging kami lang aagawin ko siya kay Per ng isang araw kakain kami. Hahaha ako naman tawa ng tawa. Hahaha grabe hanggang sa finollow ako ni Sara sa Twitter tas hanggang sa nagkatweet kami gawa ni Anelsk pati ng dahil sa DLSUvsAdMU kahit di ako Ateneo hahaha siguro sa sobrang kilig ko, sasabog na ovaries ko HAHAHA
Hanggang sa parang sinabi ko sa sarili ko na. Awat na. Sarilinin mo nalang feelings mo. Baka pag nalaman umiwas pa, mas msakit yon. Okay na ko sa hanggang tingin nalang ulit, stalk. Na hanggang homescreen ko lang siya. Ye-hey :/
Fck feels 😂