Koleksiyon
Sa pagkakataong iyon ng tunay na pagkabagot, at sa tindi ng paligid na may malinis na poot, nakita ko at napansin, mga maalamat na hiyang mapupusyaw, makikislap, at maririkit na alibangbang.
Ano-ano ang nakikita, sa lahat ay naaakit, damdaming nagmamakaawa na humantong sa pagsirit; mga nais idadgdag sa kaalaman at sa mitsa nanaisin na makolekta, Cassis pila, Nassa arcularia
sa aking pinakagigiliwang petsa ng taon sa kabila ng lugar na malayò at aking hamon, sinisikap masiyahan, at ito ay kusang dumapo sa aking sikmura at ang oras ko'y huminto.
Ang ninanais ay nariyan na, tunay na nása harapan ko na; at inaakala ko talaga na ang iba-ibang nahahanap ay dapat iyon na talaga, ngunit 'tong nagmadling kasiyahan, walâ nang ikagaganda.
(Hunyo 15, 2015)










