Tabi
Sa ating pagkakatabi, na ipinagkataon lámang, isipa'y sumusubok lumikha ng kahulugang magdudulot ng mga nàsang liban sa harang habang inaasahan ang kinabukasan ng paggapang buhat ng damdamin ng pusong umaasang ang mga bagay na mahalaga'y hindi maisaalang-alang.
Magkatabing mga braso, magkadikit ang hanap lámang sa pagkakataong iyon ay pawang alapaap na magpapakatotoo ng isang naising ganap na kinabukasang hinding-hindi kukurap, bawat sandali nitó ay tila basurang kinakalap, mga alikabok at damdaming kikislap-kislap.
Mayroong ding nakatagong dinaramdam na tunay sa mga kakarampot nga lámang na naghihiwalay ay ang aming mga isinusot, alala ayaw maghinay-hinay sapagkat ang isipan niya'y 'di ko talaga gamay Kailanman ba ay malalagayan ang mga 'to ng málay? Kayâ, hanggang sa muli, pasiya'y mananatiling pilay.
(7 Marso 2015)














