Hindi lahat ng pag-alis o pagkawala ay matatapos sa isang iglap
hindi lahat ng bagay mananatiling may kislap
at dahil kung ano man ang meron tayo’y di basta basta matatapon lang,
hayaan mo akong ilibing ito ng maayos, na tayo’y mapayapa at hindi manghinayang
Bago isara ang kahon, ako’y magsasabi ng paalam.
Iilang salita lang, pero punong puno ng pagdaramdam.
Habang ito’y binababa, ilalaglag ng dahan dahan ang mga puting rosas na
nagsilbing alaala na nagbigay saya, at bango.
Hayaan mo ang mga pirasong maglipana,
at takpan lahat ng sakit hanggang di na natin ‘to madama.
habang ito’y binababa, hayaan mong saluhin nito lahat ng iyong luha
sa hiling na kung ano man ang binaon sa lupa ay
Ngayon, aalahanin mo ulit sa huling pagkakataon,
isama natin lahat ng galit, sakit, at panghihinayang sa pag baon,
at hayaang mabulok sa iilang araw, iilang buwan, o iilang taon.
Bago ka umalis, sana magsilbing alaala ito: Na minsan may isang tao, na totoong nagmahal sa’yo. Itaga mo yan bato.
At sa kahuli hulihang pagkakataon, magpapalipad ng lobo,
Sa puntong kumawala yung laso na hawak ng daliri mo,
sabay tititig ng nakangiti, hanggang maglaho ito sa dulo.