Naligaw kasi e. :( Grabe lang. Hindi ko kasi talaga alam na dalawang grand terminal pala yung nandun sa Turbina, isang Lucena at isa Batangas. Si beben kasi, haha. Basta ko na lang sinabi na sa konduktor na grand terminal ako kaya ayun, nakarating ako ng Tiaong Quezon. Bullshit, buti na lang tinetext ko tong si beben at porchipor at inuupdate ko kung nasaan ako. Ayy grabe, edi napadpad akong Tiaong, pagbaba ko sumakay na akong Alabang na bus pa Sto.Tomas para makasakay paBatangas. E walang nadating, since malapit na naman yung Turbina sa Sto.Tomas edi balik ako Turbina at ayun sumakay na ko ng Batangas City. Ohh edi nakarating na kong Grand Terminal, ayan tatlong organizer na nagtetext saken kung paano ko mapapadpad sa Wanam, hahaha. Ayy grabe. :( Biruin mo 9:30am ako umalis samen, nakarating ako sa venue ng 4:03pm. Ilang oras na paglalakbay mga tol. Ilang minuto lang yung nilagi ko dun sa Wanam sa Bukid. Hindi na ko nakaharot, hindi na nakapagpapicture, sa sobrang pagod ko. Ayy grabee. Tapos ano ayyuun buti hindi ako nakaabot dun sa kadyot putok lobo, hahaha. Si imbabaerol kasi nagenjoy masyado, hahaha. And finally nakita ko na siya. Hahahaha, beben dahil dyan anong gusto mong regalo? Hahaha. Salamat din sa pabalot mo, sarap ha infairness. :) And dun sa mga nakasabay ko umuwi, kay pilosopgyno, si dexter ata and di ko know yung name ng isa yung may cute na sugat sa ilong. :)) Ayan thank you. Nakakahiya alam niyo atang lahat na ako yung nalate, hahaha. Paolodee, Marck di niyo ko hinintay sa grand, hahaha. Salamaaat sa lahat. :D Next time po ulit. Merry Christmas!
Tag niyo ko kung may picture ako sa inyo ha. HAHAHAHA!
















