Lumipat na ako.
Hindi na 'ko babalik. Kung interesado kayo sa bago kong blog, e-mail me at [email protected]!
Mike Driver
RMH
YOU ARE THE REASON

★
Keni
ojovivo
Not today Justin
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

No title available
occasionally subtle

No title available

❣ Chile in a Photography ❣

PR's Tumblrdome
Sweet Seals For You, Always
d e v o n
dirt enthusiast

Janaina Medeiros
Xuebing Du

titsay
AnasAbdin
seen from Germany
seen from United States

seen from Italy
seen from Türkiye
seen from Malaysia
seen from Singapore
seen from Malaysia
seen from Russia

seen from Malaysia

seen from Türkiye

seen from Australia
seen from Germany
seen from United States
seen from Canada

seen from Malaysia
seen from Singapore
seen from Russia

seen from South Korea

seen from Poland

seen from Malaysia
@missackee
Lumipat na ako.
Hindi na 'ko babalik. Kung interesado kayo sa bago kong blog, e-mail me at [email protected]!
Leave me a message!
Leave me a message!
or e-mail me at [email protected]
Leave me a message!
or e-mail me at [email protected]!
Lumipat na ako.
Hindi na ‘ko babalik.
Leave me a message!
or e-mail me at [email protected]!
Lumipat na ako.
Hindi na ‘ko babalik.
Leave me a message!
or e-mail me at [email protected]!
Lumipat na ako.
Hindi na 'ko babalik.
Lumipat na ako.
Hindi na 'ko babalik.
...at muli na namang bumuhos ang ulan.
• "Sorry, ayaw ko palang mawala ka." • "Mahal na mahal kita, kaya ipaglalaban natin 'to." • "Hindi ko kayang makita kang malungkot at umiiyak." Putang inang imahinasyon, walang ginawa kundi buksan ang gripo't hayaan lang itong maghingalo't maubusan ng tubig. Putang inang imahinasyon.
121015 – Pagsuko
Madalas akong magpaliwanag at sumagot dahil palaban akong tao, hindi dahil defensive ako o ano pa mang iniisip niyo. Ayokong-ayoko na isipin nila na mahina ako, pero iyakin ako. May mga taong nandiyan pa rin, kahit anong tulak ko sa kanila palayo, kahit anong tigas ng ulo ko, at kahit anong mali man ang gawin ko. Una, oo, palaging mali mga ginagawa ko, Reyna ng Sablay kung titignan niyong maigi. Ilang beses na nadapa, pero bumabangon pa rin at sumusubok na magkamali ulit. Pinipilit gumawa ng tama, pero nadadapa't nasusugatan lang lalo. Pangalawa, matigas ang ulo ko, malas mo kung kasama ka sa 98% na hindi ko kayang pakinggan ng kahit 50% man lang. Pero swerte ka kung kasama ka sa 2% na pinapakinggan at sinusunod ko ng 90%. Oo, kabilang ako sa mga taong black and white lang ang kulay pagdating sa ganitong bagay. Pangatlo, madalas kong itulak palayo ang mga taong may pakialam sakin, dahil palagi kong iniisip na masasaktan ko lang sila sa mga pagkakamali ko, at ayokong kapag dumating yung oras ko e marami silang pagsisihan. Gusto ko kasalanan ko lang lahat kung bakit 'di na kami naging magkaibigan o kung ano man. Madalas kong isipin na malapit na ang oras ko, dahil ayokong maging kalmado sa mga bagay sa paligid ko. Baka maging komportable ako at maging masaya tapos bigla na lang akong tarantaduhin ng sarili kong katawan. Malay mo bukas, wala na 'ko. Pagod na ang katawan ko, alam ko 'yon, at dahil matigas ang ulo ko, araw-araw ko lang dudurugin ang sarili ko. Sa mga oras na 'to, apat na oras lang ang tulog ko. Nakatulog at nagising ako habang naiyak. Ilang araw na rin nabigay ang katawan ko sa hindi ko malamang dahilan. Aalis ako ngayong buwan kaya pag-uwi ko na lang tsaka ako papacheck-up, at sana, sana lang, sana'y bumigay na ang dapat bumigay dahil ayoko ng harapin kung ano mang meron dito ngayon. Pagod na 'ko mabuhay – ulit, gusto kong magpakalbo't tumakbo sa humaharurot na tren o kaya'y magpaanod na lang sa dagat at ialay ang katawan na 'to sa mga isda. Putang inang buhay 'to, kahit kailan 'di na 'ko sasaya.
JaKé
ni Ackee Yldeso
Dito, mag-isa, Kung saan tayo'y unang nagkita. Naghahanap ng kalinga, Mula sa mga taong hindi ko makita. Sumubok huminga, Mag-isa, Sandali. Hindi ko kaya! Buntong hininga, Malalim at mahaba. Pero para bang kulang pa, May kulang pa, Ikaw, nasaan ka ba?
‘Hawak, Kabit’
ni Ackee Yldeso
Hawak kamay sa ilalim ng buwan, Naghahanap ng sagot ukol sa nakaraan. Hindi maiwasang magkatinginan, Mga matang tila nagsisigawan.
Hawak kamay sa ilalim ng araw, Naghihintay ng liwanag na abot tanaw. Hindi maiwasang sumigaw, Mga labing hindi makagalaw.
Hawak kamay sa harap ng tagpuan, Pinipilit hawakan ang hindi kayang mahagkan. Hindi maiwasang tapakan, Mga paang tila nagkakantyawan.
Hawak kamay sa likod ng isang lalaki, Tinatago ang mga bagay na dapat sinasabi. Hindi maiwasang magtabi, Mga taksil, sinungaling, mga rebelde.
‘Maganda?’
ni Ackee Yldeso
Alin ang maganda? Ako? Salamat ha? Pero hindi, hindi pala ako. Maganda daw ang mga sinulat kong dala ang kwento mo. Ang mga sulatin na puro ikaw ang laman. Siguro nga hindi ako maganda. Hindi ako maganda sa paningin nila at hindi ako maganda para sayo. Higit na hindi ka rin maganda para sa akin.
Nilamon mo ang isang malaking bahagi ng utak ko na nakalaan para sa ibang sulatin. Pati ang mga kamay kong ballpen at typewriter lamang ang nakasanayang hawakan sa loob ng limang buwan. Tinulak mo palayo ang isang memorya na nagkulong sa aking isipan na baon ko araw-araw sa eskwela. Matagal na panahon ko siyang binitbit pero pinaniwala mo akong ikaw ang aking dapat baunin hanggang sa hindi na ako pumasok at ako na ang ibinaon mo. Ibinaon. Ibinaon. Ibinaon. Hindi ibinaon sa eskwela o sa trabaho. Ibinaon mo ako sa ilalim ng lupa na kung saan ikaw lang ang nakakaalam. Naging maramot ka sa maraming tao. Gusto mo sayo lang ako. Sayo lang ang malaking bahagi ng aking pag-iisip. Sayo lang ang puso kong tinahi ko ng limang buwan. Pero umalis ka't nilisan mo ang aking sistema.
Nilisan mo ang bakanteng upuan na nilaan ko para sa iba. Kaya't lilinisin ko na ang mga iniwan mong bakas sa paborito kong upuan. Hahayaan kong magmukha itong bago kahit na naiwan na rito ang amoy mo. Hindi ko alam kung ikaw pa rin ba ang magbabalak na umupo rito o ilalaan ko na ba ito sa ibang tao. Sa hindi ko kilala. Maaaring pabayaran ko na lang rin ang pag-upo nila rito. O maaaring ikulong ko ang sarili ko sa isang kwarto kasama ang upuan na ito at ang typewriter kong kulay kahel na paborito mo. Magsisilbi silang sandalan at unan ko sa tuwing ika'y aking naaalala at gagamitin ko na rin silang sandata upang ikaw ay mailapat sa mga papel na aking itatago hanggang sa aking huling hininga.
‘Walang Kasiguraduhan’
ni Ackee Yldeso
Lapit, hinga, lapit, 'wag mong pipigilan. Kapit, sa'king kamay, kapit, 'wag kang bibitaw. Dito, tayo, dito tayo sumayaw. Sabay, galaw, sabay sa plaka. "Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay."
Palapit sa'yong mga mukha. Nakatitig sa'yong mga labi. Sumisigaw, "Lapit, hinga, lapit!" Anong gagawin? Anong dapat gawin? Anong dapat kong gawin? Hanggang dito lang, Nagdidiktang hanggang dito na lang. Anong pipiliin? Anong sasabihin?
Tumigil ang musika, Kasabay ang ating pagsayaw. Kislap sa'yong mga mata, Tila nawawala na. Pipiliin ba ang halik, Oo iiwasan na lang ang sakit?
"Huli na, huli na 'to." Ayoko, ayokong tumigil 'to. Kumanta ako, "Dumilim ang paligid, may tumawag sa pangalan ko." Ayokong tumigil. Ayoko! Kapit, hinga, lapit, hindi pa huli ito. Hindi pa huli. Hinalikan mo ko't tumakbo ka na palayo. "Huli na 'to."
‘Akala’
ni Ackee Yldeso
"Dito ka lang," sabi mo. Hindi ako umalis. Naging komportable ako. Ang sarap mo palang kasama. Hindi na 'ko kumain. Hindi na 'ko sumubok lumayo. Hindi na 'ko sumubok tumayo. Ayokong mawala ka sa paningin ko. Pero binigay mo sakin lahat ng sakit, Lahat ng bagay na ayokong maramdaman, Lahat ng mga salitang ayokong marinig, Lahat ng oras na hindi ko naisip na posibleng masayang.
Akala ko okay ka. Akala ko kaya mo akong paligayahin. Malambot ka lang pala sa umpisa. Habang tumatagal ang ating pagsasama, Unti-unti mo 'kong hinatak sa loob mo, Hanggang sa hindi na ako nakawala. Napakatigas mo pala! Humingi ako ng tulong sa ibang tao, Ngunit wala rin silang nagawa. "Ikaw lang ang makakapagligtas sa sarili mo, Bumangon ka na. Kayanin mo."
Pero ayaw ko pa rin, Hindi ko pa rin kaya. Pakawalan mo na 'ko, Oh, aking kama.