Lakbay sa Kasaysayan
Biak-na-Bato | San Miguel, Bulacan
“Maraming bato, korni, sayang oras,” ito lamang ang mga pumasok sa isip ko bago pumunta sa Biak-na-Bato. Ngunit paglabas palang ng iyong sasakyan mararamdaman mo at mapapansin ang linis at ang sarap ng simoy ng hangin kumpara sa mga siyudad. Ito ay na sa lugar ng Bulacan sa barangay ng San Miguel. Hindi lang ang lalawigan ang kamangha-mangha kahit na rin ang kwento dito. Dito naganap ang "pact" o unang rebolusyon. Makulit akong tao at lalo na kapag kasama ang mga kaibigan ko ngunit habang nagsasalita ang tour guide namin makikita mo sa paligid na lahat ay tahimik na nakikinig, ganun kamangha-mangha ang kwento ng lugar na ito. Meron ditong isang kuweba na sobrang dilim at tahimik, at dahil sa sobrang tahimik dito ay parang mabibingi ka pa. Pagpasok mo sa mga kuweba kailangan mong mag ingat dahil napaka-dilim dito na para ka lang nakapikit at madulas rin. Masasabi kong bagong karanasan ito dahil minsan lang ako makaranas na malinis na kapaligiran hindi lang sa lupa kundi sa daloy rin ng hangin. Masasabi kong ito ay sulit dahil marami kang matutunan, hindi rin maitatanggi na ito ay masayang karanasan na paglalakbay lalong lalo na kapag ikaw ay may mga kasama.
Benjamin III T. Batara













