Nilingon ng batang lalaki ang kapatid. "Will you ever leave Kuya?"
"No! Never!" Mabilis ang sagot ng bata saka yumakap ng mahigpit sa Kuya.
Pagkabitaw sa yakap ay inilahad ng lalaki ang kanyang hinliliit sa kapatid. Bakas naman sa mukha ng batang babae na hindi nito naiintindihan ang ginawa ng Kuya.
"Promise, you will never have a boyfriend, I will never have a girlfriend, until we are..." Huminto ang bata para magbilang sa kamay ng pabulong. "Til we're 18!" Saka ito ngumiti.
"Boyfriend?" Hindi naintindihan ng batang babae ang sinabi ng Kuya. Ang mga terms kasi na iyon ay madalas lang marinig ng batang lalaki sa mga kwentuhan ng mga matatanda. Hindi nya marahil alam kung ano ba talaga ang pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend. Basta ang alam nya ay para iyon sa mga matatanda, at ang edad na 18 ay matanda na.
"Crush!" Paliwanag naman ng Kuya na dahilan ng pagnguso ng kapatid.
"If..if i have crush, it means I leave you?" Inosenteng tanong ng batang babae.
Tumango ang kanyang Kuya saka kinuha ang kamay ng kapatid.
"Kuya, iiwan mo si Eury?" Asked the little girl with a soft voice.
"Never." Sabay sa pagbagsak ng malakas na ulan ang pagngiti ng batang lalaki. Napangiti na rin kanyang kapatid at saka ipinagkawit ang kanilang mga hinliliit.
-Read the whole Prologue here: 0′ 00″
2′ 23″ (2 Minutes, 23 Seconds)
For every second that passes, a hundred heartbeats are exchanged.