Bakit December ang Favorite Month ko?
Pasko nanaman! Kabikabila yung Christmas and Year-End Party. Fully-booked nanaman ang sched in besh. At tama ka, las las naman ang kaban ng bayan. Pero inaamin ko! Favorite month ko talaga ang December. Why??
1. Exchange Gifts - Nung bata ako, either mug or picture frame or alarm clock lang naman yung natatanggap ko every year pero iba padin sa pakiramdam pag tatawagin na yung number mo. Exciting kasi! Sa kalaunan, nauso na yung “wish list”. Imbento yan ng mga batang sawang sawa na makatanggap ng 3 bagay na nabanggit ko. Effective naman! Pero nawalan na ng sense of excitement.
2. Monito-Monita - Budget-friendly at jam-packed na laughtrip. Yan naman ang gusto dito. Sadya kasi talagang napakamapaglaro ng isip natin, Naalala ko yung natanggap ko dati na something naughty and nice - saging. Pasok sa naughty, pero sa nice? Sige na nga lang kako! Php25 lang naman ang budget, papakachoosy pa ko? Quick Tip: Kung saka sakaling si crush ang mabubunot mo sa Php25-budget na MM at torn na torn ka kung iggrab mo na yung chance na binigay sayo ni Lord or magstick sa rule, e kung ako sayo, igrab mo na! Alalahanin: Hindi lahat ay nabibigyan ng chance. It’s now or never! Baka next year kapa makakuha ng 2nd chance.
3. Noche Buena - Hamon, quezo de bola, tinapay & cheese whiz, hotdog and marshmallow on stick na tinusok sa hilaw na pinya, spaghetti, inisprite-an na manok with mixed veggies (yes, folks! as in SPRITE), bbq, graham, fruit salad, ice cream, cake, juice. Yan ang ‘matic na handa namin pag Pasko. Samahan pa ng Special Bibingka ng nanay ko tapos Goto ni Tsang Etchie. Panalo!
4. OOTD - Tuwing Pasko lang kasi nakakabili ng mga bagong damit. All-in yun! Mula ulo hanggang paa, amoy bago. Walang kaso kung mura o mahal, basta ang mahalaga, nakapampasko ka. Aminin, madalas sa mga bagong damit, hindi niyo lalabhan unless naisuot niyo na. Alam ko diba? hahah!
5. Simoy ng hangin - Malamig! Hinahanap hanap natin yan buong taon. Tipong kape-and-pansedal-kind-of-day!
6. Raffle, Pabingo ni Mayor, Gift giving, etc. - Madami ding naiisip na pakulo ang mga politiko or mga boss natin pag ganitong season. Pasok na din dito yung bonus natin.
Birthday month din ng parents ko ang December tapos Fiesta din samin. Magastos. Pero higit dun yung saya ng puso ko.
Pasko diin yung nagiging hudyat na nalalapit na ang pagtatapos ng taon. Perfect time to reflect. Kung may naipon ka ba this year, accomplishments, highlights mo ngayong taon, investments, heartaches, pumayat ka ba at kung ano ano pa. Kumbaga this is the perfect time to weighin yourself at paghahandaan mo nanaman yung isang buon taon ahead of you.
Nakakatuwang isipin na minsan naisasantabi natin yung mga kanya kanya nating problema sa buhay kahit isang buwan or isang araw manlang sa loob ng isang taon. Yun ay dahil sa Pasko. Parang hindi ko lubos maisip ang buhay pag walang Pasko. Salamat sa nagiisang dahilan ng lahat ng ito - sa tunay at nagiisa nating BOSS.















