The Perks of Me-Not-Having-The-Course-I-Want
Dalawang taon na akong nasa kolehiyo at sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung gusto ko ba talaga yung course ko. Maganda naman ang Sociology. Sobra. Sa tingin ko nga, doon ako mas naging aware sa mga issues ng bansa at ng buong mundo at kung pano maging open-minded sa maraming bagay. Well, hindi lang naman ito yung mga natutunan ko. Maraming bagay pa. Medyo hassle nga kasi parang lagi na lang ata akong may nakikitang mali/comment na minsan, kahit hanggang sa isip ko na lang. Hindi kasi ako magaling magsalita/magsulat or anything na parang gawaing pang-socio. Hahaha. The feels. Maganda naman talaga ang course na Sociology pero hindi ko alam kung maganda ba to para sakin.
Magthi-third year na ako. At heto, undecided at alangan pa rin ako. Ang hirap kasi kahit nga habang naliligo ako, napapaisip ako. Hindi ko naman ma-open to sa mga dapat makaalam kasi, kahit ako, nasasayangan. Pero ano nga ba ang mas sayang: makatapos ako on-time without passion o hindi nga ako on-time pero gusto ko naman yung ginagawa ko? Sa totoo lang, tinry ko naman mahalin ang Sociology pero yung grades ko, hindi ako tinry mahalin. Huhuhubels. Minsan nga, masakit na marinig/makita na mas mataas pa yung grade ng hindi Socio kaysa sakin sa major subjects namin. Masakit pero mas nakakagana mag-aral.
Okay, tama na. Ang gusto ko lang naman sabihin ay, eto: Magsisimula na naman ang panibagong school year. Gusto ko lang ipaalam na sa mga estudyanteng magkokolehiyo na, piliin niyo talaga yung gusto niyong course. Hindi dahil pinili ng mga magulang niyo or ng relatives niyo or don-kasi-mataas-ang-sweldo or mataas kasi yung demand or kahit ano pa mang reason yan basta dapat, yan yung gusto, passion or love niyong gawin. Becaaaaazzszsszsz, PASSION NEVER FAILS












