7th month, September18,2012. Bago pa dumating ang araw na to, hinihilig ko na talaga na sana may isupresa niya ko. May mga araw din na sinasabi ko sakanyang wala pang nagbibigay sakin ng bulaklak maliban nung debut ko, OO NAMAN! Bibigyan talaga ako kaso kami bumili nun e. Effort ko. Ayuun. Pero sa unang anim na buwan namin puro messages lang ang natatanggap ko every monthsary. Hindi ko inaasahang this month magagawa niyang isurpresa ako. Hindi niya kasi ugali masyado ang ganun. Haha. Nung araw bago mag September18, ang tyaga niyang kausapin ako kahit antok na antok na ako.. kunyari lang hindi ko mahintay ang 12midnight. Haha kasi nga ako lagi ang nagaantay nun. Gusto ko maramdaman na siya naman ang naghihintay edi kinarir ko magkunwaring hindi ako excited. Tas lagi ko sinasabing "Antok na akoooo" sasagot sya ng "Teka langgg biybi, please wag ka muna matulog" HAHA ramdam ko na eh. Anyway to make this short saktong pagka12, may natanggap akong sobrang haba na message. I never expect na mabibigyan nya ako ng ganun. WOAH! As in WOAAA O.o haha. Nakakatuwa, nakakatouch, nakakakilig at higit sa lahat lalo akong naiinlove. YEAH! Edi ayun na nga, bago kami matulog pareho kaming kinikilig at nakangiti. Nung maliwanag na ang umaga. Hindi ko na ulit maramdaman na monthsary pala namin. BAKIT? Hindi ko din maintindihan. HAHA. Basta hindi sya agad gumising tapos parang ang sungit pa niya. Paggising pa niya hindi na nya ulit ako binati ng happy monthsary. Naasar ako. Hindi pati ako nirreplayan, HM. Yun pala. May binabalak. MAY BINABALAAAAK! Kinunchaba ang dalawa naming kaibigan, nasa bahay kami ng isa naming tropa. Sya pala ang kausap, at ang plano nila ang pinapaghandaan. At ng mga oras na yun, feel ko na talaga eh. Kahit ilang beses ako sabihan ni Pauline ng "Assuming ka ate gen." HINDI EH. Hindi ako assuming kasi totoo yung nararamdaman ko at pagkatapos ng ilang pambabatos, bigla siyang pumasok sa pinto at sinabing "Surprise biybi, Happy Monthsary. I love yoooou." Waaaa. Nagulat ako. As in! Hindi ko rin alam ang mararamdaman ko kung asar ba dahil di niya ko nirreplyan o tuwa dahil sa ginawa niya pero ang alam ko talaga nagulat ako. HAHA. Never pa ako sinurpresa ng ganun. SIYA LANG! First time. Sya palang nagbbigay sakin ng roses at bear! :">