A Jeepney Love Story LOLJK =))
Edi kanina pauwi, habang nasa jeep, kakaunti lang ang sakay. Mga apat na tao lang sila tas kami ni Mama. Sa left side kami umupo, may katabi akong gwapo sa kaliwa ko. :> Feeling ko kasing age ko lang siya. O baka hindi ko ka-batch pero ka-year (1995 din). Hindi naman siya ung gwapong titilian mo. Kasi parang inosente ung mukha niya. May pagka-babyface.
Mind you, espesyal din pala ang araw na 'to. Perstaym ko magshorts in public. Haha. Tokong kind of person kasi ako. At conservative din. Magshoshorts lang ako pag swimming o pag nasa bahay. Ganda ko naman kanina! (O pagbigyan niyo na. Opposite day naman eh.)
At inabot ko na nga ang bayad namin. HAHAHA. Bakit ba 'ko kinikilig kanina? Nagkahawak ang aming kamay. Syempre may background music pa sa utak 'ko na nagplay. Ang saya kasi 20 ang inabot ni Mama. Strike 1 (hawak kamay). Impernes, ang lambot ng kamay niya. HAHAHA. Inabot ang sukli pero 5. Strike 2. Tapos nagbigay ng piso si Mama kasi sobra ung sukli. Strike 3.
Feeling ko pa meant kami kasi nung sumakay na ung ibang pasahero pa, walang umupo sa gitna namin. Kahit malaki ang space, wala talaga. HAHAHA. Yiee.
Tas bumaba na kami. :(
Kthanksbye.
P.S. May ka-chat ako ngayong papasok din sa same university na papasukan ko. Nilalandi ako. Joke. Haha. Nakikipagfriends. Osha, titingnan ko pa kung gwapo. :))











