Kalapastanganang iparamdam sa’yo na ligtas ka,
hawakan ka sa iyong pagkalugmok mo, at sabihing
Hindi mo gagawin sa akin ang ginawa ng iba,
para kainin mo lang ang mga sariling salitang sinambit.
Kalokohan ang ipamukha na aking kamalian ang rason sa iyong paglisan,
Munit wala ka lang pa lang lakas ng loob banggitin na ako’y kulang,
walang lakas iparating,
walang tapang sabihing na may ibang dumating.
Kabastusan ang magsimula ng panibago na ang pundasyon ay luha ng iba.
Kagaya ba ng bahaghari,
kailangan bang magdilim ang langit ng iba para lang magkulay ang sa inyo?
rrs.













