Nakakapagod din pala..
Nakakapagod din pala no. Napapagod nadin ako. Pero hindi ko magawang mapagod kasi mahal kita. sabi ko nga pag napapagod, magpapahinga lang. pag napapagod time lang. Kasi sabi ko nga " TIME HEALS EVERYTHING ". Pero pano kung parang sobra na? Kasi ako, ginagawa ko naman lahat para magbago eh, ginagawa ko naman lahat para masunod lahat. Pero bakit hindi nya makita? Bakit masama parin yung nasasabi nya imbis na palakasin yung loob ko.
"Hindi mo kayang magbago, nakakasawa na babe. pagod na ako"
" sa loob ng isang taon ganto tayo "
" wala lang naman ako sayo eh "
ang sakit pag saknya mo mismo narinig no. ang sakit pag ginagawa mo na lahat tapos para sakanya wala parin pala. Hindi ako nabitaw kasi mahal na mahal ko siya. ayaw ko kasing mawala siya sakin. Pero bakit pinagtutulakan niya ako palayo? Sabbi niya ako ang nagawa ng dahilan para lumayo loob niya sakin. Alin dun? Eh lahat sinusunod ko na. lahat ginawa ko. ano pang kulang?
Yung mga salita na hindi mo aakalain na sa mismong BOYFRIEND mo manggagaling. Masakit yun diba? Yung dpaat na sa ibang tao mo marinig at ipagtatanggol ka nya sa mga salitang yun pero hindi eh, sakanya mismo nanggagaling. Pero hindi ko magawang makinig sa mga kaibigan ko, kasi nahihirapan ako.Pero ngayon, sapat na ba ang mga nangyari para itigil na? Para sumuko na ako? Para hindi na ako magpahinga at tuluyan na mapagod at pagpahingahin ang buhay ko? Hindi ko na alam. Siguro nga, hanggang dito nalang. Pero hindi ko alam. Kasi gusto ko makasigurado. Ayoko ng ganto. Napapagod rin ako. Nasasaktan din ako. Tao rin ako tulad mo. Sana naman maisip mo yung worth ko. Kasi nagkakasakitan na tayo sa ibat ibang paraan eh.










