Summer Capital of the Philippines [Ni Raiza Noor, Education Student]
Kung sa tingin mo ang Pilipinas ay malabay, mayaman sa isla at may mainit-init na klima sa buong taon, aba! ikaw ay halos tama sa iyong mga hinala. Pero mayroon tayong tinatawag na “cool highlands” sa hilagang bahagi ng ating bansa. Mula sa isa sa pinakalamalaking rehiyon sa ating bansa na nahahati sa anim na probinsya walangiba kundi ang Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan dito natinmatatagpuan ang Baguio City na sa ngayon ay kilala sa tawag na “Summer Capital of the Philippines.” Noong 1900’s ang Baguio City ay natuklasan at itinatag ng mga tanyag na Amerikanong mananakop ngating bansa. Na ngayon ay isa sa pinkatanyag na lugar at dinudumog ng mgaturista sa buong Pilipinas. Sigurado ka na marami kang mapupuntahan dito na ikaliligaya mo! tulad na lamang sa BurnhamPark na kung saan pwede kang magrenta ng bangka na swak na swak sa bulsa mokasama ng iyong mga kaibigan, pamilya o ang inyong special someone! Okaya namanang trip niyo ay mag picnic sa ilalim ng mga Pine trees mayroon silang Camp John Hay na sigurado kayo’y liligaya dahil narin sa sariwang hanging iyong malalanghap! Kung ang gusto muna man ay pang magandang tanawin na kung saan pwede ka makapag selfie o makapag muni muni. Meron din namang pasyalan dito kung saan pwede kang pumitas pitas ng malinamnam na strawberries! At higit sa lahat ang matunghayan natin ang ipinagmamalaki nilang Panagbenga festival o ang flower festival na ipinagdidiwang tuwing ika pebrero ng taon kung saan talagang mapapabilib ka sa ganda! Kaya tara na kalimutan muna natin sandali ang ating mga problema at magsaya sa Baguio City!












