Pigurin
Makapag-sulat kaya ako ngayon?
Makapag-buhat kaya ng wika Ang pluma ko’t papel, Paakyat sa mantel Na pinag-angatan ko sa iyo?
Kay puro mo Kay kinang Kay konti ng iyong pakialam
Ano pa bang Salitang Maihahagis ko riyan Na hindi ko pa Naihagis?
Mapalingon ka naman Mapausog ng bahagya Mapatingin Magulat Matabig ng kaonti At sa huli Ay mabasag
Kay puro mo Kay kinang Wala ka bang pakiramdam?






