How?
Paano?
Paano mo mamahalin ang taong sira? Di yung sira na nababaliw na ah? I mean yung sira na kung saan Kakabreak nya lang dahil sa taong na minahal naman nyang lubusan ngunit di cya ang pinili.
Paano?
Paano mo masasabi sa kanya na sayang ang mga luha mo sa taong di naman ka pinahalagahan, Kasi kung pinahalagahan ka niya di ka nandito sa tabi ko ngayon at patuloy na sinasabi na "Ayoko na, masakit na"
Paano?
Paano mo cya yayakapin ng mahigpit ng hindi nasasaktan? Nasasaktan sa mga bagay na wala kang laban. Nasasaktan dahil ang pagkasawi nya ay don sa tao lamang. Nasasaktan dahil ikaw ay isang kaibigan pa lamang.
Paano?
Paano mo cya yayakapin ng mahigpit ng hindi nasasaktan? Nasasaktan sa mga bagay na wala kang laban. Nasasaktan dahil ang pagkasawi nya ay don sa tao lamang. Nasasaktan dahil ikaw ay isang kaibigan pa lamang.
Paano?
Paano mo siya titingnan sa mga mata as sasabihin ako nalang ang piliin mo. Pangako, ako ang sasalo sa mga luha mo. Nangangako, kailan man di ko gagawin ang mga ginawa nya sa iyo. Mangako ka sana tanggapin ang hiling ko sa'yo.
Paano?
Paano kung dumating ang panahon na tapos na ang kanyang pag iyak at tapos na ang kanyang pagkasawi. Kakalimutan ka din kaya nya? Katulad ng paglimot sa kanya dating sinisinta? Kakalimutan ang bawat oras na sa'yo kapiling ka nya. Kakalimutan dahil nakahanap cya ng taong magpapasaya sa kanya.
Paano? Paano ka sasaya ng hindi ka nasasaktan para sakanya? Paano ka ngingiti ng hindi paunti onti nahuhulog sa kanya? Paano? Paano? Sabihin mo paano?
- Nagpapakatanga nanaman ako.













