At sa oras na naisipan niyang bumalik sa piling mo,
Wag mo sana kakalimutan ang oras na binitawan ka niya at pinili ang iba Wag mo sana kalimutan ang mga luhang manginig nginig sa pagpatak dahil hindi mo alam kung paano magsimula sa umpisa Wag mo sana kalimutan ang mga araw na pinilit mong itawa lahat ng hapdi sa puso na idinulot niya Wag mo sana kalimutan ang mga gabing hindi ka makatulog at sa bawat pag gising mo sa umaga ay hindi mo alam kung paano nanaman haharap sa panibagong yugto ng buhay Wag mo sanang kalimutan na minsan mo ng kinaya na wala siya sa piling mo, Sa oras na siya ay magbalik.... Wag mo sana makalimutan ang halaga mo, Wag mo sana itapon lahat ng mga natutunan mo nang siya ay lumisan sa piling mo, Sa oras na balikan ka niya, At kung ako sana ang masusunod sa kapalaran mo, Sana wag mo na siyang tanggapin pa, hindi ko sinasabi to dahil pinagdadamot ko sayo ang taong mahal mo; ang kaligayahan mo Ang akin lang, Kung siya man ay babalik, Sana sa kanyang pagbabalik piliin mo na ang sarili mo, Dahil minsan mo na siyang pinili, at minsan ka na rin niyang ipinagpalit, Kung nagkaroon ng pagkakamali sa pagpili mo sakanya noon, Malay mo nasa tamang landas ang pagpili sa sarili mo ngayon.













