"Yung todo tipid ka na pero wala ka pa ding maipon."
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Saudi Arabia

seen from Czechia

seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from China
seen from United States

seen from Czechia

seen from Saudi Arabia

seen from Türkiye

seen from United States

seen from Australia

seen from Saudi Arabia
seen from United States

seen from United States
seen from United States
"Yung todo tipid ka na pero wala ka pa ding maipon."
Ang sarap sa pakiramdam na kahit na magkita kayo... Di ka na nasasaktan pa..
Wag kang mag-alala kung may mahal ng iba yung crush mo. Isipin mo nalang wala siyang taste dahil hindi siya nahumaling sayo.
ALAM MONG PINOY KA KUNG
NILALAGYAN NIYO NG MINERAL WATER YUNG BOTE NG 1.5 NA COKE.
tropa tropa chill.
"Dyip to te. Hindi Taxi. Kaya matuto kang umupo sa likod, kung ayaw mong iabot ang bayad ko sa harap."
Isa sa mga pinakaayaw ko pag sumasakay ako ng jeep e yung mga taong walang pakealam kahit mangawit ka pa kaabot sa kanya nung bayad mo. Well, nababanggit na lang yang mga pinakaayaw. Lulubusin ko na. Ilan lang tong mga to sa mga ayaw ko pag nagcocommute ako.
Mabahong katabi. Oops, dyip nga pala to. hahaha. If given the chance, lumalayo ako sa mga ganyan. Lalo na pag umagang umaga. Sayang naman pinandowny ko sa damit ko kung di maamoy ni crush di ba?
Maingay na pasahero. Oops ulit. Guilty. Pero, yung suskong kaingayan na abot pa ata sa lugar kung saan sya tutungo. Mas malakas pa yung boses nya sa stereo ni manong drayber. Na pati yung paghagalpak nya sa tawa e natatalsikan na ako ng shower nya. Bah, Iba na ituuu.
eksaheradang magkwento. Okay lang namang magkwentuhan, susko. MMDA nga, di nagbabawal,ako pa kaya? Pero yung to the extent na makahampas hampas na si ate, nadadamay na ako sa hampas nya. Tapos pag nagkikwento sya kailangang maaksyon at kawawa ka kase ikaw yung ginawa nyang ekstra sa kwneto nya. Bah, iba na ituuu.
SuperHairo. Eto yung pati hawi nya sa buhok nya, natatamaan ang maganda kong mukha? Uso magtali ng buhok te. Wala tayop sa audition para sa shampoo commercial. Reality show ho eto. Actually, pag di mo tinali yang buhok mo, baka magmukhang ina kapatid anak ang peg natin dito.
Textmoso. Nakakacurious bang may pasaherong nagtetext sa dyip? Yung utang na loob na feeling na, ang obvious nyang sumisilip sa phone ko. Hindi mo alam kung type nya ba yung phone o chismoso lang talaga. Yung totoo, may papasabi ka sa katext ko kuya?
Pasamado. Hindi naman sa nag iinarte ako, pero mag iinarte na rin ako. Yung mga nag aabot ng bayad nila na hindi mo alam kung sinasadya ba o ano pero, pag abot mo nung bayad, basang basa na yung palad mo. Worst, nadikit na ang masangsang na amoy ng baryang inabot mo sa palad mo. huhu
Bosonegro. Eto yung mga umuupo sa harapan tapos nakasampay yung mga braso sa hand rails, tapos kunwaring tulog. pero ang totoo, dilat naman pag may pasakay nang mga babaeng nakapalda o nakatube o ano pa.
Bukaman. Nirerespeto ko ho lahat ng karapatan natin sa mundo. Iba iba man tayo ng katangian o kasarian, pantay pantay ho tayo ng karapatan. Ang hindi ko lang maintindihan, kumbakit pagkasikip sikip na ho ng upuan e, anglakilaki pa rin ng space na inuoccupy mo dahil sa "napakadisente" mong upo. Kung sasabihin mo saking "baka maipit si junior." E luh! uulitin ko ho, pantay pantay ho tayo ng karapatan. Walang lalaki, walang babae. Walang malaki, o maliit. Walang mataba o payat. Basta pagdating sa dyip, lahat ho tayo mga sardinas.
PDA. Alalahanin nyo ho, ang pagsakay sa dyip ay rated G. Ito ay pwede sa mga bata, isip bata, inosente, payat o mataba. May boypren o wala. Kaya ho sana, hinay hinay lang sa pagiging sweet ha?
Anyanyare?
Sa panahon ngayon, hindi na talaga maiaalis yung...Anywho kawaw na lang yung mga nag aassume o napagbibintangang paasa. Alam mo yun? Lahat na lang ng kahit konting kasweetan na maipapakita mo, may meaning. Pati mga "er" o "uh" o "hmmm" mo, may meaning at ang masaklap, ang kahulugan daw nun e "landi." Nays.
Konting ngiti lang sa isang lalaki/babae , landi na agad.
Nagkasabay lang kayong pumasok, kakirean na daw.
Konting malapit lang sa kanya, o magkadaupang palad lang kayo kahit wala namang kahulugan, landi na agad.
Magkatext/chat lang kayo, magkalandian na.
Naglike lang ng pityur sa fb, nilalandi na agad.
Gusto lang makipagkilala, Landi na rin daw.
Naappreciate mo lang boses nya/kagalingan nyang maggitara/sumayaw, nilalandi na rin daw.
Makikipagkaibigan, makikipaglandian na.
Ampu. Anyare? Wala na ba tayong karapatang maging inosente paminsan minsan?