Masasaktan lang tayo ha, pero never tayong gaganti.
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Netherlands
seen from Spain

seen from Singapore
seen from China

seen from United States

seen from Sweden
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United Kingdom
seen from Maldives

seen from United States
seen from Singapore
seen from Russia

seen from United States
seen from United States

seen from Singapore
seen from Jordan
Masasaktan lang tayo ha, pero never tayong gaganti.
Bahaghari
Isang malalim na buntong-hininga Kasabay ng pagmulat ng mga mata Tanong sa sarili'y "Kaya mo pa ba? Tsaka ngingisi at sa taas ay titingala
Ngunit ano nga ba ang 'yong hinahanap Isang milagrong pilit hinahagilap May lihim kayang ikinukubli ang mga ulap May hiwaga ba sa asul na alapaap?
Maya't-maya'y mga mata'y kikislap Marahang ngingiti at hahagakhak Isang makulay na bahaghari'y naging sapat Upang mapawi ang lumbay ng aliping tapat
Bahagharing pahiwatig ay pag-asa Para sa mga lingkod na hapung-hapo na S'yang may malakas na pananampalataya Aani ng hindi mabilang na biyaya
~ M.K. Sueño (04/2021)
The right might not always be right, that's probably why our heart is on our left. Why? cuz our heart is not always right.
Pinipili kong magmahal araw araw. Pinipili kong mahalin ka. Kahit sa mga araw na di ka kamahal mahal, sa mga araw na di ako kamahal mahal. Pinipili kong mahalin ka. Pinipili kong magtagal ang tayo. Nilalaban ko ang tayo. Kasi worth it ka. Worth it ang tayo. Worth it lahat.
Ups & Downs, Swings & Slides Inspired by December Avenue's Eroplanong Papel
Paikot-ikot... paikot-ikot. Paulit-ulit ang nangyayari.
Unang kasaysayan: Pag-iisip. Mga pagkakataon at oras ay masasayang. Ngunit sa kabila ng ito, ay handa ko namang tiisin ang ibabato sa akin ng buhay. Ang sakit na pinaramdam ay bubukod at lalong lalago.
Ikalawang destinasyon: Pang-iiwan. Heto na, tinatanggap ko na. Buo na ang desisyong alisin ang kapangyarihang 'di ko kayang panindigan. Ako'y iniwan sa tabi na parang lantang gulay na wala nang silbi, subali't kumikilos. Oo, 'di ito nararapat sa sitwasyon ko ngayon, dahil hindi ko kayang ipagpatuloy ang hindi siguradong pakikipagsapalaran. Tutungo na muli sa panibagong daan sa unang masasaksing lugar sa aking mapa.
Ikatlong direksyon: Pagluha. Sakit at pait. Wala nang ibang salitang maisip. Nagmumukmok lamang ako sa isang tabi, 'di makalaya, at takot sa maaaring mangyari. Punung-puno ako ng pangamba sa susunod na aking haharapin. Patuloy pa ring sasabak sa giyera. Sinusulit na ang bawat pagluha, dahil maaaring ito na rin ang huling paglisan.
Ika-apat na paroroonan: Pagsisisi. Sino nga bang 'di makakalimot sa nakakarindi ngunit mahapis na kasabihang "Sa huli ang pagsisisi"? Napapaisip ako kung makakarating pa ba ako sa aking inaasam na lugar. "Ba't 'di mo pagmasdan ang iyong patutunguhan?" tanong ko parati sa aking sarili. Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan hanggang sa aking panaginip.
Ika-lima at huling lebel: Panlulumo. Siguro nga, wala na akong pag-asa. Nawawalan na ako ng saysay upang bumangon pa muli. Mas pipiliin ko na lang siguro ang saktan ang aking sarili sa pag-iisip nang sobra. Mahal ko ang bawat sakit. Wala itong magandang madudulot, gayon pa man, pakiramdam kong pasan ko na ang mabigat na kirot.
“Paikot-ikot... paikot-ikot... Paulit-ulit ang nangyayari...", bulong ko sa aking sarili.
Kung wala kang balak, kailan pa?
Naguusap na lang kayo, pag nagaaway kayo.
Kung ano man 'yan, lilipas din 'yan. Peksman!"
pumasok lang sa isip ko haha. ccd. 2017•Nov•15th
Nagmahal Nasaktan Nagkape
Nagising sa katotohanan
Location: Cabatuan, Isabela