Long weekend lang... Hindi happy.
Kung mang-aasar nga naman sayo yung tadhana., mapipikon ka talaga. Yung balak mong mag-halfday para makabyahe pauwing probinsya ng maaga. Kasi mas sigurado pa sa sigurado na dadagsa ang mga tao sa terminal pauwi. Ayun. Ironically, yung halfday naging OT. ~Hanggang 9pm. Bwisit na report to. Yung girls wear nakapagemail na ng report nila yung boys wear ko hindi pa ngangalahati., anong isesend ko? Buti sa girls, tulong-tulong sila gumagawa. Eh ako? Solo lang gumagawa ng boys. SOLO. Literal! :( At habang ako'y nakatutok maghapon sa laptop. Walang breaktime. Yung mga kasama ko dito ansasayang nagcocostume party. Literal talaga! Halloween nga daw kase. Killjoy daw naman ako kasi di ako nakikisali sa kanila. Eh sila nga ang naunang nagkill ng joy ko. Nakakapagod lang. Okay. Kahit ako, sinasabi ko na rin sa sarili ko. "Magresign ka na! Magresign ka naaa!!! Di na masaya eh!" Pero wala eh. Baka umaasa pa rin ako na it will get better. Na magbabago rin to. Sooner or later.












