5th birthday ng pamangkin ko. Si Kace. My mini me 😂. Napansin lang namin na may pattern saming magkakapatid yung mga nagiging anak ni Mavie at Kathleen. Una si Via. Mini Mavz si Lia mini Kathleen tapos Kace mini Kenneth tapos si Kate mini naman ni Yna. Ang galing lang. Haha!
Ambilis. 5 years na kaagad parang dati kakaanak pa lang ng kapatid ko kay Kace after 2 months boom! Lockdown. Haysssttt dami na nangyare pagkatapos non. Dami na nagbago. Wish ko para kay Kace sana mas mas maging mahilig pa sya sa toy story at sa pagdrawing. Sana maging good boy sya kagaya ko. Charice! Di ko kagaya pero ayun nga sana maging goodboy sya. Minsan kasi may times na di nya nakokontrol yung emotions nya. Ayun nga. Nakapattern sakin. Moody. seloso. Diba nga isa sa dahilan kung bat ayoko magkaanak kasi ayoko ipamana yung ganong ugali ko. Pero In fairness kay Kace anlaki ipinagbago ng personality nya mula nung magstart sya mag school. Kung dati iyakin sya at takot sa ibang tao ngayon hindi na. Yung tipong kahit sakin takot na takot sya. Ngayon, takot na lang hahaa. Favorite nya rin yung cookies ko. Lalo yung brown cookies. “It’s my favorite cookie the whole wide wooorlldd!!”” Sabi nya yan ah
Isa pang naaalala ko sa kanya yung nagleave ako ng 1 week at don alo tumira sa kanila kasi kakaopera lang ng kamay ni nanay so ako muna nakitulong sa bahay nila. Habang naglalaro kami tinanong nya ko. “Hey tito, why is your skin color brown?” Tapos “Why do you have hair on your legs?” Wala man ako maisagot. Sabi ko na lang, “ay bikos im a bad boy” sabay sad face. Sabi nya naman “hey!! But you always give cookies. My favorite cookies. You’re not a bad boy.” Natawa ako na natouch sa sinabi nya. Napaka innocent. Napaka pure talaga ng mga bata. Ngayon, isa na sa mga goals ko ang maging or manatiling goodboy sa paningin ng mga pamangkin ko. Im not a good person., i know. But I can be a good boy, a better tito or second father para sa kanila.