Husband For Real (Chapter 8)
CHAPTER 8 "GOOD EVENING, sir," bati ng receptionist kay DM na siyang unang pumasok sa entrance ng condo na tinutuluyan ni JDen. "Hi Ruth," ganting-bati niya na tumigil saglit at ngumiti. Kilala na sila ng mga staff doon dahil pagmamay-ari ni Stanci Matt Stanford ang building na iyon. Halos lahat sila ay may unit doon pero bihira nila gamitin. Tanging si JDen lang ang madalas doon dahil malapit lang iyon sa opisina ng Airways company na pag-aari ng ama nito. "Have you seen Jden's wife, or Jden here?" tanong ni Stanci sa babae na pansamantalang napaisip. "Ahm, Di ko po alam kung ang asawang tinutukoy ninyo ay ang babaeng kasama ni Sir Jden kanina na lumabas. Hindi ko po kasi namukhaan, nagmamadali po kasi sila." "Anong oras mo nakitang lumabas si JDen?" halos sabay na tanong ni Ryder at Stanci. "M-mga isang oras po sir, ang nakalipas," nauutal na sagot ng babae na bahagyang kinabahan dahil sa nakitang seryoso ang mga ito. "Ry, tawagan mo nga si Jden, ask him kung nasaan ba talaga s'ya!" utos ni DM saka kunot-noong pinagala ang tingin sa kabuuan ng building na para bang may hinahahap na hindi nila mawari. "Matt," tawag nito kay Stanci na agad lumingon sa gawi niya. "Is the security surveillance here 24/7?" tanong niya na agad tinanguan ng huli nang matumbok ang nasa isip nito. "Follow me. Read the full article















