Wanted Tutor (Rogue Society 1) Chapter 01
CHAPTER ONE "PERO gramps, kayo na rin ang nagsabi sa'kin na walang mabuting maidudulot ang mga babae sa buhay natin, tapos ngayon ipagkakasundo ninyo ako sa babaeng 'di ko naman kilala?" 'di makapaniwalang protesta ng binatang si Brice Adrien sa kanyang Lolo. "I don't even know anything about her! who knows she's an ugly and an old lady?" Dagdag protesta pa niya. God, this is not a kind of woman he thinks to get tangled with. And take note; "as a wife!?" "Iho, I know! I didn't forget it either. Pero, nakalimutan mo ba na ikaw lang ang nag-iisa kong apo at tagapagmana ng MARTINEZ EMPIRE! No, hindi ako papayag na mapunta lang sa kung saan ang matagal kong pinaghirapan.'' sabi ng matanda na nakaupo sa swivel chair sa loob ng opisina nito habang nakatitig sa apong nasa kabilang panig ng office table na mababakas sa mukha ang pagkadisgusto sa tinuran ng Abuelo. "Besides, you will only marry this girl for the sake of our business at para mabigyan ka ng anak at bagong tagapagmana. Women with status are only good for bearing your child." Muli pa nitong dugtong na mas lalo namang nagpakunot-noo sa binata. "Heck! His grandfather is so contradicting! Besides, marrying is the last thing he want to think off!" " Gramps naman, I'm already thirty at alam mong kaya kong mas palaguin ang lahat ng ito, without any help sa kung kanino. If you need a heir , fine! pero ako ang pipili At hindi 'yun dahil sa isang business agenda at magiging kapalit ng kalayaan ko!'' may pinal na sagot niya na ikina-iling lang ng matanda. "Simula't-sapol hindi naging lingid sa'yo ang kagustuhan kong magkaroon ng share sa Mining Company sa Italy and that will only happen kung pakakasalan mo ang anak ni Mr. Benitez. And you have no say, to that agreement, dahil nakaset na ang engagement ninyo ng kanyang unica hija, three months from now." saad nito na tila hindi alintana ang protesta ng apo. "Really? Wow naman Lo, you already prepared everything bago man lang ninyo ako kinunsulta?" Bakas sa tinig ng binata ang pagkadismaya. "Be honest do you have a girl before, or even now?" muling tanong ng kanyang lolo na hindi pa rin binibigyang pansin ang protesta ng kanyang apo. "I never had a girl, seriously... even before." he answered. totoo naman wala talaga siyang GIRLFRIEND kung seryoso ang pag-uusapan pero kung FLING lang, 'wag ka na magtanong dahil hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kahit pagsamahin mo ang daliri sa kamay at paa mo kulang pa iyan kung gusto mo talagang bilangin o alamin kung sinu-sinu o ilan na ba ang babaeng na-i-kama niya. Yes, dahil isa sa hobby niya ang Bed-hopping siyempre maliban sa paglalaro ng Polo kung saan siya nag-eexcel ikalawa sa pagiging playboy niya. At dahil sa kinakaharap na problema ay iniisip niya kung paano tatakasan ang babaeng pinagkasundo ng kanyang lolo saknya ay hindi niya binigyang pansin ang totoong ibig sabihin ng tanong nito kung may karanasan na ba siya sa pakikipagtalik. Kaya naman iba ang naging dating ng sagot niya sa kanyang abuelo. "You mean at your age you never had a girl?'' tila gustong matawa o mas tamang sabihing madismaya ng kanyang Lolo sa natuklasan. Medyo napailing pa ang matanda. He thought Adrian really avoided women as how he teaches him. What would you expect of Don Adrian Martinez? Hindi ba't siya rin ang nagtatak sa isipan ng apo na iwasan ang mga kababaihan? Palibhasa'y wala itong hilig sa mga social media and entertainment news kaya wala man lang itong alam sa totoong reputasyon ng apo pagdating sa mga babae, dahil ang buong oras nito ay nakatuon lamang sa pagpapalago ng kanilang business. What he really didn't know is that, Brice is one of the Sought-after-bachelor in both social and entertainment category. Well, halos lahat naman silang magkakaibigan ay pare-parehong habulin ng mga babae, dangan lamang ay wala sa bukabolaryo ng mga ito ang salitang Commitment. "Gramps, if you have nothing to say... pwede na ba akong umalis? May usapan kasì kami nila Ryder na magkikita ngayon." paalam ng binata na ang tinutukoy ay ang mga kaibigan na kasosyo niya sa RS Isle. Ni hindi niya man lang naisip na iba pala ang tumatakbo sa isipan ng kanyang lolo. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya hinayaan ng matandang umalis matapos magbilin ng mga kailangan at dapat niyang gawin bago dumating ang engagement party nito. pagka-alis ng apo ay tila hindi pa rin ito makapaniwala sa natuklasan, kaya naman isang desisyon ang pumasok sa kanyang isipan, iyon ay ang hanapan ng tutor ang apo nang sa gayon ay may alam na ito at hindi mapahiya sa gabi ng kasal nito. At dahil sa ideyang iyon ay agad tinawagan ng matanda si Atty. Sevilla, ang kanyang private atty. na agad namang dumating ilang minuto ang lumipas dahil ang opisina nito ay nasa kabilang panig lang ng building kung saan nakalagak ang kanilang main office. "Atty. Sevilla, I want you to find a girl na bata pa pero malusog at walang sakit...pero maraming alam pagdating sa larangan ng pakikipagtalik.'' sabi ng matanda na ikinasamid ng abogado at napamulagat sa pag-aakalang ito ang nangangailangan. "Tonto! hindi para sakin kundi para sa apo ko!" singhal ng matanda nang nahulaan ang naging reaksyon ng kaharap na abogado. Sa halip na maunawaan ay mas lalo lamang naguluhan ang abogado, pero sinarili nalang niya ang mga katanungan kung bakit gustong kuhaan ng tutor si Brice gayong isa ito sa pinakapabling at di iyun alintana sa karamihan. But then, Don Adrian Martinez is extremely exceptional to that knowledge. "S-sigurado po ba kayo Don Adrian?" Paniguradong tanong pa niya sa matandang Don. "Yes, and I want it to be DISCREET as in SECRETO." pagpapaintindi nito sa kaharap. Naguguluhan man ay sumang-ayon nalang ito sa ipinag-uutos sa kanya, kung ano man ang rason ng Don, ay wala siyang karapatang panghimasukan ito. Isa iyon sa trabaho niya ang sumunod sa lahat ng iuutos nito ng walang maraming tanong lalo't malaki ang ibinabayad nito sa kanya. Kaya naman kahit tila nagtatalo ang isipan ay agad niyang tinawagan ang isa sa mga kilala na nagmamay-ari ng isang cabaret. ..... ''HERE!'' sabi ni Drake kasabay ng paghagis ng Cali drinks in can kay Brice na kararating lang sa kanilang tambayan. Isa iyong basement sa isang apartment na ginawa nilang billiard hall at mini bar,pag-aari ito ni Drake Miguel o mas kilalang DM isa sa matalik na kaibigan ni Brice at kasosyo sa RS Isle. ''Whats up?'' tanong naman ni Stanci Matt na may headset pang nakalagay sa magkabilang tenga habang hawak ang isang cue stick. "Badnews, Gramp want me to get married!" Anunsyo ni Brice na wala man lang ka emo-emosyon. "Free ba kayo next weekend plan ko kasi tumambay sa RS Isle. I just want to have a good rest and a clear state of mind.'' Dagdag pa nito. Hindi na muna magtanong ang mga kaibigan ni Brice, kung anong nangyari sa pag-uusap ng mag-lolo. alam nilang pagdating sa isla ay kusang magkukwento ang binata sa kanila. Isa iyon sa nakasanayan nila, hindi nila pinanghihimasukan ang pribadong buhay ng bawat isa maliban nalang kung kusang mag-open ang bawat isa sa kanila na siya namang madalas mangyari kaya mas nagiging malapit sila sa bawat isa at daig pa ang tunay na magkapatid kung magturingan. "Go ako dyan, medyo matagal na ngang hindi tayo nakadalaw doon, eh!" halos sabay na sagot ni JDen at Ryder. ''Sure!'' dagdag pa ni Stanci at Drake. Tumango lang si Bri bilang tugon saka itinuloy ang pakikipaglaro ng billiard sa mga ito. He knew them well, naghihintay lang ang mga ito na siya ang nagkusang magkwento which is he planned to do it at their Isle. ..... ''ENAAA!" malakas na sigaw ni Adel sa inaanak nang makita itong nasa ibaba ng bahay at kaumpukan ng kanyang mga alaga(GRO/MAGDALENA/BABAENG BAYARAN). "Patay!" mahinang usal ng dalaga sa sarili saka mabilis pa sa alas kuwatrong umakyat sa ikalawang palapag kung saan nakatayo habang nakapameywang ang kanyang Mama ninang. "Ikaw bata ka, ilang ulit ko ba sasabihin sayo na ayaw na ayaw kong makikipag-usap ka sa kanila?" halos pigil ang sariling hindi ito masigawan nang makalapit na siya. "Eh, mama ninang, nakipag-kwentuhan lang naman po ako kina Anne." paglalambing at pangangatwiran pa niya saka ito humawak sa braso ng ginang na sinabayan mg paghaplos. Ang tinutukoy niyang Anne ay isa sa mga alaga ng kanyang ninang na akalain mong may dadaluhang party parati, dahil lagi itong naka make up. ''Caryl Ena, hindi sa ayaw kong makipag-usap ka sa kanila, ang ayaw ko lang ay iyung kung anu-anu ang naririnìg mo at natututunan sa kanila." pilit na paliwanag nito s'kanyang murang isipan. She maybe nineteen already, pero kung ituring siya nito ay parang anim na taong bata. Paano ba namang hindi mababahala si Adel para sa inaanak na dalaga kung sa tuwing magkukumpulan ang kanyang mga alaga ay ang madalas na pagusapan ng mga eto eh, ang size,kulay, at kung naka-ilan sila sa isang gabi. Napapailing nalang si Adel sa inaanak kasabay ng malalim na buntong hininga, minsan nagsisisi sya kung bakit hinayaan niya itong lumaki na ang kinamulatan ay ang ganitong kapaligiran, kahit pa sabihing maayos ang kanilang lugar ay alam niyang hindi iyon ang tamang lugar para sa inaanak lalo't dalaga na ito. Nasa isang probinsya sila nakatira na malapit sa pinaka town plaza at kung titingnan mo ay tila isang malaki at marangya na bahay lamang ang kanilang tinitirhan, ang hindi alam ng karamihan ay pugad ito ng mga babaeng mababa ang lipad dahil pagsapit ng gabi ay isa pala itong beerhouse o clubhouse kung saan ay naglipana ang mga lalaki at babaeng hanap ay saglit na kaligayahan dulot ng makamundong kaisipan. "Nakapagdesisyon na ako, sa makalawa ihahatid kita sa kapatid ko sa maynila, para doon mo ipagpatuloy ang iyong pag-aaral!" sabi pa nito na akma sanang tatalikod dahil ayaw niyang makita ang reaksyon ng inaanak, pero natigilan siya nang magsalita ang dalaga. "P-pero mama ninang, ayaw ko sa maynila! Ayaw ko po na malayo sa inyo!" paki-usap nito pero 'di niya iyon pinakinggan. Sa halip ay itinuloy ang pagtalikod at pinatigas ang sariling emosyon saka tumuloy sa ibaba para kausapin ang mga alaga nito sa nalalapit na planong pag-alis. Samantalang tila pagal ang katawan at laglag ang balikat ng dalagang si Ena, habang papasok sa kanyang sariling silid. Naintindihan naman niya ang kanyang Mama ninang, dangan lamang at ayaw niya itong iwan. Alam niyang pinoprotektahan lang nito ang kanyang kinabukasan, hindi naman kasi lingid sa kanyang kaalaman ang katotohanan kung saan siya nakatira at kung ano ang uri ng mga tao ang nakakasalamuha niya sa araw-araw. Alam niyang natatakot lamang ang ginang na mapahamak siya at matulad sa mga ito. Siguro nga panahon na para lumipat siya ng maynila kung talagang gusto niyang mapabuti ang kinabukasan. Read the full article











