HAHAHAHAHA. Pa-epal ng title! Problemado talaga ako ngayon e. Paano kasi, yung tatay ko malalate syang uuwi mamaya, Okay lang sakin yun.. Ang kaso, dito pa sya magdidinner at ag sabi nya ay lutuin ko daw ang manok na nasa ref namin. Seryoso sya! HAHAHAHAHHAHA. Binigyan nya naman ako ng instructions, ang kaso lang.. Hindi ko sigurado kung mapagtatagumpayan ko ang pagsubok na binigay ng tatay ko. PAKSHET! Ipipirito lang yung manok, e bakit parang hirap na hirap na ako? Paano kasi, sa pagpirito ng manok e may sinabi pa syang papalambutin, asin, paminta, magic sarap, apoy, mainit na mantika at kung ano-ano pang hindi ko maintindihan. Hindi pa kasi ako nakapagpirito ng manok e. Kung ako lang naman at ang ate ko ang kakain e kahit de lata okay na saamin. Ewan ko na. Hindi ko talaga alam.. Maiintindihan naman siguro ako ng tatay ko kahit anuman ang mangyari. Ipagdasal nyo sana ako. SALAMAT! =))