Gets niyo ba yung pun ko? hahaha ang witty ko talaga. So yun nga tangina 2018 na, sana matapos na yang hugutan na yan, nagawa akong magago kapag paulit-ulit mong naririnig yung common na hugot eh, sarap hugutan ng bibig tapos ipalunok sakanila ulit. Dati rin naman humuhugot ako ng kahunghungan dito sa tumblr, pero nung naging mainstream na pucha tumigil ako, kasi feel ko di na ako cool tapos ang jeje na ng datingan tanginamers na yan.
Tapos eto pa mga kups, naalala niyo nung nauso yung step-by-step tutorial kung paano gumawa ng ganito, ganyan? Tangina nagawa akong magago ng mga hugot nila sa dulo eh, kesyo bilugin daw yung pastillas para maganda yung pagkamold, tulad ng pambibilog mo sa mga babae mo walanghiya ka tantado. Putangina nagawa akong maasar, gusto ko lang naman gumawa ng pastillas nung mga panahon na yun tapos babanatan niyo ng hugot? tengene.
Pero on the other hand, kasi ngalay na yung isa kong kamay hehez, nakakatuwa rin yung mga hugot, kaso kapag sobra na o kaya panay hugot na lang alam nung isang tao pero walang lovelife? Aba tangina tumigil ka na diyan, try mong iimprove ang pagsasalita hunghang na yan. Sige hanggang diyan na lang ako kasi pakshet kayong lahat.