Tumblr Serye Batch 4 Presents: Agaw-Buhay
Natapos ang mundo ko sa hindi inaasahan na sitwasyon. hindi ko alam kung ano ang nagnyari, kung paano at kung ano ang aking nagawa. marahil dala na din ng bugso ng sitwasyon. hindi ko alam kung mali ang aking ginawa o kung tama na tinapos ko na ang lahat sa isang madugo at marahas na paraan.
bente anyos na ako, matangkad, may pagka payat at malakas ang pangangatawan. kung ikukumpara mo sa iba, hindi ako isang tipikal na binata, nabuhay ako sa mundo na sigurado akong hinding hindi nyo pinangarap. wala na akong tatay, bata palang ako namatay na sya sa sobrang paninigarilyo, ang nanay ko naman ay walang alam sa buhay kundi mag sugal at mag paka lango sa alak. mayroon akong tatlong kapatid, isang sampo, siyam at walong taong gulang, nangangalakay sila ng basura para pantustos sa pagkain nila mag hapon, kasama na din pala ang pang sugal at pambili ng Alak ng Inay.
matagal na akong umalis sa amin, hindi ko masikmura ang buhay na meron doon. andito ako ngayon, nag babanat ng buto, pero hindi isang tipikal na trabaho. kundi trabaho na siguradong kinakatakutan nyo.
isa akong Snatcher, mag nanakaw, mang hohold up o kung ano pa man ang gusto nyong itawag. ayoko naman talaga sa ginagawa ko. pero ito lang ang rason ko para mag karoon ng mabilis na pera, matagal ko ng gustong tumigil lalo nang ngayon na mayroon na akong nobya, hindi nya alam ang mga akitibidades na pinagagawa ko. syempre, sino ba namang tanga ang gustong mag karoon ng nobyong ganito.
walang nakakaalam ng sikretong buhay ko kundi kami lang ng pinaka matalik kong kaibigan at kababata na halos tinuring ko ng kapatid si Piyer.
magkasanga kami nito mula umpisa, bata palang kami, kami na ang laging mag kakampi, walang oran na hindi ko sya kasama. wala akong sikreto na hindi nya alam, halos magka dugtong na ang bituka namin. ganyan kami kadikit, mula sa kagaguhan hangang sa katarantaduhan.
isang gabi, mag alas dose, nag hihintay ako sa hide out, kagaya ng nakagawian, hinihintay ko na bumalik si Piyer, maaga pa, pero natimbre nya sa akin na meron syang na na ispot-an kanina. hindi ko palang alam pero, mukhang maagang matatapos ang gabi na ito.
"Pre, naka jackpot yata ako, mukhang maraming laman tong bag ng nadali ko!" pasigaw na sabi ni piyer pag pasok na pag pasok nya ng pinto.
"Sige himayin mo na yan, tingnan mo kung ano pwede mong ma-ibenta" sabay sagot ko sa kanya habang humihitit ng yosi.
"ayos pre, may bagong cellphone!, mahal to mukhang iPhone, touchscreen!" sabay dampot sa cellphone sa nakasabog na gamit sa ibabaw na lamesa"
"badtrip nga ung babae, nanlaban pa kasi, ayun sinaksak ko tuloy." sambit ni Piyer habang patuloy na nag hahalungkat sa bag.
"natuluyan mo ba?"
"nako, hindi ko na alam pre, sinaksak ko sa leeg kaagad tsaka lima yata sa tagiliran, wala naman akong pakielam, basta nung nakita ko na may dugo, sumibat na ako paalis. gago kasi, nakipag hilahan pa sakin! yun tuloy na gripuhan ko! hahaha"
"hahaha, gago ka talaga!"
habang abala siya sa pag hahalungkat ng gamit, naisipan ko na tawagan si Nelsie, gabi na kasi at alam kong pauwi na sya galing trabaho.
"The subscriber cannot be reach please try your call later"
naka off ang telepono nya, paulit ulit akong tumawag ngunit walang sumasagot. marahil nasa loob pa din sya ng pinag tratrabahuhan nya, wala kasing signal sa loob ng opisina. napatingin nalang ako sa larawan nya as aking telepono.
"oy pare sino yan? chicks yan no?! kanina ka pa ngiti ng ngiti dya, sya ba ung tinatwagan mo?! patingin nga?!" sabay kantsaw sakin habang nag pupumilit tingnan ang picture na aking hawak.
"wag ka ngang pakielamero! tuloy mo nalang yang ginagawa mo ng maibenta mo pa yan sa recto!"
"sino ba yan ha?! alam ba nya tong ginagawa mo?!" sabay sumbay nya sa aking mukha
"malamang hindi!, pero parang gusto ko na ngang itigil to pre, mahal ko tong babae na to, nakukunsensya na din ako sa ginagawa natin." paliwanag ko sa kanya.
"Gago ka ba?! mag isip ka nga?! babae lang yan! iisipin mo pa ba yang mahal mahal na yan?! isipin mo yung meron kang pambili ng makakain! at masyado ka ng matanda para mag palit pa ng isip! mamatay na tayong ganito!"
"Puta! wala kang karapatan na diktahan ako ng ganyan! tangina mag inom na ngal ang tayo! baka kung saan pa mapunta tong bangayan na to!" sabay pigil ko sa nagiinit na usapan naming dalawa.
"oy meron Isang daan! sakto, ikaw na bumili ng yosi at red horse! kakalikutin ko muna tong cellphone may camera sa loob mag pipicture picture muna ako hehehe" sabay abot ng isang daang piso sa akin at kasabay ng aking pagalis papuntang tindahan.
makalipas ang ilang minuto bumalik na ako at sinumulan na namin ang mag inom.
"Ayos tong cellphone pare, mabilis to sa limang libo. ang linaw ng camera!" maligalig na sabi ni piyer habang nag kukuha ng picture sa sarili.
"tigilan mo na nga yang kakakuha na yan, mauubos na tong binili kong isang bote,ikaw naman ang bumalik sa tindahan meron pang sukli dito bumili ka pa ng isang round." sabay itsa ng pera sa harapan nya.
pag alis na pag alis ni Piyer, dali dali kong kinuha ang cellphone sa aking bulsa at tinawagan ko muli si Nelsie, sa wakas nag ring na din ang telepono nya.
"hello... hello?! Nelsie.. si Renz to.. teka.. bat lalake ka?! sino to? boyfriend nya ba to?! gago ka ah!" sabay putol ng tawag.
umakyat ang dugo ko sa aking narinig. parang nadurog ang puso ko nung mga oras na yon. nawala lahat ng magagandang bagay na pinagarap ko para sa aming dalawa. napatitig nalang ako sa larawan na nasa aking harapan. bago pa mapatulo ang luha ko, bumalik na si Piyer dala ang isang balot ng Kornik at dalawang bote ng redhorse.
"oh pre, anong nangyari sayo? na contact mo na ba ung chika babes mo?" sabay upo sa upuan sa harap ko.
"wala na pre, tumawag ako kanina, may lalakeng sumagot. boyfriend nya yata, nawalan na ko ng pag asa." malungkot na sbi ko habang lumalagok ng isang baso ng beer.
"sabi ko naman sayo walang kwenta ung mga babae na yan, tawagan mo ulit! walang pwedeng bumanga satin ng ganyan! dali ako ang kakausap." pagtatangol na sabi sa akin ng aking kaibigan.
"mahal ko pare yon, sobra, pipilitin kong magbago para sa kanya, pero wala. parang may iba na sya" aking tugon habang patuloy na nakatingin sa kawalan.
"I-Dial mo na nga kasi bilis! tawagan mo ulit baka naman namali ka lang ng pindot!"
Muli sa pangalawng pag kakataon, dina-all ko ang number ni nelsie. ngunit laking gulat ko sa aking narinig..
Ring,
Ring,
Ring...
nag ring ang cellphone na hawak ni Piyer...
pag sagot nya napatingin sya akin at nanlaki ang mata.
"pare... hindi ko alam.. pare.. di ko sinasadya... PARE... PARE WAG!"
Natapos ang mundo ko sa hindi inaasahan na sitwasyon. hindi ko alam kung paano nangyari, kung paano at kung ano ang aking nagawa. marahil dala na din ng bugso ng mga pangyayari. hindi ko alam kung mali ang aking ginawa o kung tama na tinapos ko na ang lahat sa isang madugo at marahas na paraan.
mabilis talga ang karma, hindi mo alam kung anong bagay ang ihahanbalos sayo. pilitin mo mang itama ang lahat, gagawa at gagawa parin ito ng paraan para guluhin at gawing miserable ang lahat. ngayon, wala na ang nag iisang kaibigan kong si Piyer wala na din si Nelsie. hindi ko na alam kung saan pa pupunta tong buhay ko. hindi ko na alam kung may patutunguhan pa to.
lahat ng bagay may kapalit. lahat ng masamang gawain ay may nakalaang parusa. yan ang malaking bagay na naituro sa akin ng mga bagay nanaganap. kung patuloy kang gagawa ng masama, hindi man ngayon pero dadating ang panahon na sisingilin ka nito sa paraan na hinding hindi mo iniisip na magaganap sayo.
Ako nga pala si Renz at ito ang kalbaryo ko.
WAKAS.









