kailangan tayo ng kalikasan sa paraan na kailangan din natin sila dahil bawat buhay dito sa mundo ay mahalaga. munti man kung maituturing, ngunit sa patuloy na paglaki at pagyabong nito, katumbas ay ang malaking tulong nito para sa paggaling ng ating mundo. kaya’t ating bigyan ng pansin ang mga halaman at ang mga natitirang puno sa ating lipunan. bigyan ng kalinga at alaga, bigyan ng hindi lamang sulyap kundi pagtingin sa kanilang munting buhay.
- short clip from mini-docu entitled “Pagtingin sa Munting Buhay,” written and directed by yours truly <3









