Buhay bagong graduate
April 28, 2015
Date ng graduation ko. Ngayon, isa na ako sa mga walang trabaho sa Pilipinas. Hindi naman mahirap makahanap ng trabaho kasi maraming vacancies pero mahirap pumunta sa mga inapplyan mo. Bakit? Kasi ang layo ng Cavite sa Quezon City, Taguig, Mandaluyong at marami pang iba. Syempre andyan yung kasabihang “kapag gusto maraming paraan, kapag ayaw maraming dahilan”. What to do ba? Syempre marami kang isasaalang-alang kapag nagtrabaho ka diba? Number one na dito yung accessibility ng work mo sayo, tapos domino na yan kasi kung masyadong malayo dapat umupa ka. How about your salary? Hindi magiging sapat kung ipambabayad mo pa sa bahay, kuryente, tubig at pagkain mo sa araw-araw. May mabibigay ka pa ba sa parents mo pambawi sa kanila? As a fresh graduate, expect it that your salary is not that high. Nagsisimula ka palang naman eh. Isa pa, ang habol mo dito, experience, knowledge, joy and your love for your work.
Classmates, minsan talaga nakakapressure, nakaka-frustrate and nakaka-disappoint maghanap ng trabaho pero tandaan mo lang palagi na maraming opportunity. Kapag may lumapit, grab it. But make sure na masaya ka sa pipiliin mo para hindi mo pagsisihan sa huli. Kung hindi ka man natanggap, accept it. Just think that it is not for you yet. Baka may ibang plano si God. Just trust him and do your best next time. He will make you successful basta palagi kang magpapasalamat sa kanya kahit maliit na bagay lang and gawin mo rin ang dapat mong gawin. It is always starts with you. Kung hindi ka man gaano ka-confident, gain it. Maiipon mo rin yan. Kaya yan! :D
Buhay bagong graduate. Minsan mahirap madalas thrilling. Parang buhay natin, minsan nasa baba pagkatapos tataas. ^^
*matagal-tagal rin akong di nakapag-post dito* :D









