Just discovered the art of poverty poetry and it might just be the best thing that has happened to art in the past millenia.
I will now share one of the best examples of this genre, written by the reddit user u/Yesternowwhowhat

seen from Peru
seen from United States

seen from United States
seen from Germany
seen from United Kingdom

seen from Canada

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from Sweden

seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Netherlands
seen from China

seen from United States

seen from United States
seen from India
seen from Germany
Just discovered the art of poverty poetry and it might just be the best thing that has happened to art in the past millenia.
I will now share one of the best examples of this genre, written by the reddit user u/Yesternowwhowhat
Sigaw ng Dukha
Sobrang dami pa din palang mga tao Ang nag-iisip na ang kaunlaran ay katumbas Ng paaralan, pagamutan at kalsada. O di kaya ay mataas na istraktura. O ang ibig sabihin ng mabuting politiko. O mabuting tao, Ay yaong isang araw nagpa-feeding, Matapos ay bumalik na sa kanyang palasyo. O yung kompanyang nagbigay ng libreng gamot, Sa medical mission, na once upon a time lang kung magkatotoo. Oo, nga. Bahagi ito, sa kaunlaran. Pero nawa ay maging bukas ang isipan Na hindi limitado doon ang kailangan Upang mabago ang mundo, o kahit ng Pilipinas man lamang. May pagkain ka ng isang araw, Dala ni mayor o ni congressman, Kaya nakuha nya ang loob nyo, Kaya sa tuwing magigipit ang pamilya nyo, Ibinibenta nyo sa kanya ang lupain na sinasaka ninyo. Ang lupain na nagpapakain sa inyo, KAHIT PAPAANO. Ngayon ano?! salamat sa pa-feeding ni mayor, Nabundat ka isang araw, ng todo-todo. Sa mga susunod na panahon, pati henerasyon, Buong pamilya mo, GUTOM. Oo, maganda ang medical mission! Sus! Ang bait nga nung magandang nurse! Oo ang buti nila, kasi tinatapalan nila ang trabahong hindi kanila, Harinawa lang, ang mga nagbuo ng misyon na iyon. Ay totoong may malasakit sa mga tao, Kasi baka naman, ginawa lang iyon para makapag-promote ng gamot? Wag naman sana. At napag-uusapan na lang din ang mga gamot, Ede mabait din pala itong mga kumpanyang nagpamigay? Libre nga naman nila ibinigay e 'di ba!? Pero baka sa totoo, niloloko nyo itong mga tao, Hindi sana sila nanghihingi sa inyo, Kung mababang halaga ninyo ibinebenta ito! Ang problema sa inyo! Lahat na lang pinagkakitaan ninyo! Mismong mga buhay namin ganitong pinaglololoko nyo! At oo nga pala! Maraming salamat sa misyon Na pagalingin ang ubo namin at sipon. Palagay nyo ba masasagot nyan ang aming gutom? Sabi nga ng reseta mo, tatlong beses sa kada araw. At inumin lang dapat matapos kumain. Nagalala tuloy ako, ibig sabihin ba nun Tatlong beses ako pilit na dapat kumain Para mainom ang gamot na ito? Gayong sa totoo, isang beses nga lang kumain ang pamilya ko. At oo, tama kayo! Nag-rereklamo nga ako! Nag-rereklamo ako! Kasi alam kong hindi tama ito! Oo! Tama naman kayo! Nasa sistema na ang kahirapan na ito. Pero mali kayo! Na wala nang pag-asa para mabago ito. Maling mali kayo! Na wala kang magagawa para sa bayan mo. Oo, tama ang narinig mo Ikaw mismo! May magagawa ka. MAY MAI-AAMBAG KA! Kahit sa simpleng pagsasatinig ng impit na sigaw nitong dukha.
sobrang tagal ko nang hindi nakadalaw sa r.com at sa first love ko dito sa r.com, ang chatroom. Nang mapadpad ako roon, may dalawa akong nakakwentuhan, at medyo nakadebate sa kung ano-ano tungkol sa kahirapan at kaunlaran. napagbintangan akong nagrereklamo lang. oo nagrereklamo ako. kasi alam kong may mali sa nangyayari, kaya nagrereklamo ako. at natutuwa ako sa pagkakataon na nakausap ko sila, kasi kahit siguro hindi ko man sila nakumbinsi masyado, ang mahalaga naiparinig ko sa kanila ang uri ng kaunlaran na gusto ko. at sana hindi nila ikagalit at isiping nakikipag-away lamang ako. natutuwa akong pag-usapan, kasi naibabahagi ko ang aking alam. yun nga lamang, nakakahinayang kasi nawala bigla ang internet connection ko, tapos pagbalik ko ay wala na sila doon. sayang. kaya sana kung umabot man ito kina maru at seph, ayus! sana, maunawaan nyo ang nais kong ipaabot, at hindi maging sarado ang isip nyo at ang puso nyo sa pag-asa na mayroon pang mababago kahit naka-ukit na sa sistemang ginagalawan natin ang problema. Sabi nga ni John Lennon, "You may say I'm a dreamer, but I'm not the only one, I hope someday you'll join us, and the world will be as one."
Rich Flow - Announcement (Official Music Video)
Producer: Kelz Bangaz Director: Dan Centrone Audio Download: https://soundcloud.com/rich-flow/anno... Purchase Album: http://richflow.bandcamp.com/album/po... www.twitter.com/richflizzyflow www.facebook.com/richflow 610entgrp / 610Music