Siklo ng buhay
Noong nasa high school ka na, palagi mong naiisip na "buti pa noong ako ay nasa elementarya pa lamang, mas simple ang buhay at mas masaya". Sinasabi mo ito ng umiiyak, may kaunting lungkot, may bahagyang panghihinayang. Noong nag-kolehio ka na, ang bukambibig mo ay "mabuti pa noong nasa highschool ako, hindi ganoon ka-kumplikado at hirap ang lahat." Sinasabi mo ito ng umiiyak, halos gumuguho ang mundo, iniwan ng kasintahan o kaibigang matatalik, nanghihinayang, buong pusong humihiling " 'bat pa ba kailangan magbago ng lahat?". Noong magtapos ka sa kolehiyo, pagod sa trabaho, hindi malaman paano ang oras ay pagkakasyahin mo. Gusto mo pa din naman sanang makita ang mga kaibigang natira sa iyo mula noong kolehiyo, ngunit hindi sapat ang oras, o di kaya'y di tugma sa iyong mga kaibigan. Panay ang hiling na sana ay matagpuan naman sana ninyo ang mga sarili ninyo na muling magkakasama at tumatawa at walang inaalala kagaya noong kayo'y nasa kolehiyo pa. Ngunit ang buhay nga naman ay sadyang hindi mapagpatawad, kahit ang mga kaibigan mo noong kolehiyo, ay unti-unti na din yatang dumudulas kasabay ng panahon. Magbabalik ka sa iyong pamilya, dahil sila ang parating nariyan, sila ang alam mong maghihintay lang parati sa iyong pagbabalik sa inyong tahanan. Natuwa ka sa iyong naratnan, ang maiinit nilang yakap ang sumalubong sa iyong isang linggo ng pagod at hirap sa iyong pinagtatrabahuan. Walang hinihiling, isang dosenang donut lang ay parang wala nang panahong namagitan. Ngunit muli, mapag-laro ang tadhana, paubos na ang oras. Patapos na ang long weekend, na sya lamang naisingit mong panahon para sila ay makadaupang-palad. Babalik ka sa iyong mundo, mag-isa at malungkot, ngunit itatago ito at tatayo ng matibay sa mga hamon ng buhay.










