Now don't give me the fucking crap about resilience. These kids don't fucking deserve this incompetence chosen by us adults. Filipinos don't fucking deserve this fucking fuckery.
art blog(derogatory)

⁂
dirt enthusiast
RMH
Xuebing Du
we're not kids anymore.
almost home
DEAR READER
taylor price
Claire Keane
styofa doing anything
Not today Justin
wallacepolsom

No title available

tannertan36
will byers stan first human second
No title available

oozey mess

#extradirty
todays bird

seen from United States

seen from China

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Brazil

seen from United States

seen from India
seen from Türkiye
seen from Türkiye

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Australia
seen from United States

seen from T1

seen from Russia
seen from United States

seen from Germany
seen from United States
@joh-08
Now don't give me the fucking crap about resilience. These kids don't fucking deserve this incompetence chosen by us adults. Filipinos don't fucking deserve this fucking fuckery.
Mga hindi ipinapadalang liham series.
Liham ko sa isa sa mga pinaan kong malapit sa puso ko noong papasok na saya sa kolehiyo.
Bukas na liham para sa bunsong babae kong kapatid (at para na din sa pamilya ko), at kung anu-ano pang repleksyon:
May napanood akong youtube reels na nag-play randomnly. Isa sa mga brainrot AI-voice storytelling na may random "relaxing video" sa background.
Yung video ay tungkol sa isang taong nagkekwento na magkakaroon ng field trip yung klase nila. Excited ang lahat, bukod sa kanya. Alam na kasi nya ang ibig sabihin non, may bayarin na kailangan para sa eskwelahan. Alam na nyang wala silang pera, at mahihirapan ang nanay nyang bayaran yung pang-field trip. Inuwi nya pa din yung form na papapirmahan sa parents. Binigay nya sa nanay nya pero hindi na sya umaasa. Sabi ng nanay nya, "I'll figure it out". Alam na daw nya ang ibig non sabihin, titipirin ng nanay nya ang lahat ng iba pa nilang gastusin, mas mumurahing mga ulam, o kaya hindi manananghalian sa trabaho ang kanyang nanay, o iba pa. Para lang makaipon ng pang-field trip nya.
Maganda ang pagtatapos nung kwento sa reels, kasi palihim nang sinagot ng guro nya yung pambayad ng field trip nya para makasama sya, kunwang nanalo sya sa field trip raffle draw. Pero ako umiiyak na ko nung napanood ko yun. Sobrang lapit kasi sa karanasan ko noong nag-aaral pa ako.
Tuwing may ganap na nay katumbas na bayarin sa eskwelahan, palaging hindi ako sumasama, sinasabi ko na lang na ayoko naman sumama. Kunwari di ko naman gusto yung mga pupuntahan sa field trip. As if naman alam ko na ang ayaw at gusto ko nung highschool. Basta, hindi ko na pinapaalam sa magulang ko na may field trip o kaya, basta na lang hindi na ko umaasang sasama sa mga ganon.
Kaya din wala akong sinalihang maski isang org noon, kasi alam kong may katumbas yun na bayarin. Apat kaming magkakapatid na sabay-sabay nag-aaral, ayoko na dumagdag pa sa gastusin.
Kaya din naman loner ako sa halos buong apat na taon ko sa high school noon. Kapag may mga gala ang mga kaklase ko sa labas ng eskwelahan, hindi ako makakasama, kasi sampung piso lang ang baon ko non. Maski simpleng kakain sa labas, o maski sa karinderya lang, hindi ako makakasama non, kasi wala akong sobrang pera. Pero huwag nyong pagkamalian na pinababayaan kami ng aming magulang, may baon naman kaming kanin at ulam para sa pananghalian, yun nga lang syempre, nung bata ka nakakahiyang kumain sa karinderya ng may baon na pagkain kaya sa classroom lang kami kakain.
Tapos nung panahon na high school ako, don unang nauso ang cellphone, yung may keypad pa noon, pero syempre, wala din akong ganon. Parang isa lang ang cellphone namin noon sa pamilya. Si mama lang ang meron non kasi parang bigay mula sa trabaho nya. Tapos paglaon nagkaroon na rin si papa. Pero matagal pa, college pa ako nagka-cellphone, mga pinaglumaan na ng mga pinsan o tito o tita. Kung di pa ako sa malayo magka-college baka di pa din ako magkaka-cellphone non.
Ayun na nga, habang lumalaki ako, alam kong mahirap lang kami. I'm so painfully aware. Kaya naman siguro nire-resent namin ni ate noon yung pangatlo naming kapatid. Kasi andami-dami nyang orgs na sinalihan, tapos lahat ng field trip nya sinasabi nya kila mama. Syempre sila mama, bilang mabubuting magulang, gagawan yun ng paraan para makasali sya, para makadilehensya para sa mga bayarin nya sa eskwela. Noong panahon na yon, syempre hindi pa naman namin alam na nire-resent namin sya. Nagmumuka lang yun na inggit lang kami sa kanya, tapos sinasabi lang namin yun na paburitong anak kasi sya ni mama kaya kasama sya palagi sa mga field trip nya at andami nyang org at org activities na nasalihan. Dahil mga bata kami noon, ang nagiging itsura, pinapagtulungan lang namin sya ni ate. Isa pa, syempre dahil kasama sya sa mga field trip, may mga org sya, mas naging social syang tao. May mga barkada sya. Mas nae-explore nya ang mga gusto at ayaw nya, mga potensyal nyang talento, at iba pa. Siguro, di ko lang sigurado, baka dahil doon ay naging mas matalino din sya, mas madami syang nae-explore na mga ideas at nakakausap na mga tao. Mas madalas na nasa honor sya, basta mas matataas ang grades nya.
Kaya siguro nung mga panahon na iyon lalong mas naasar kami sa kanya, kasi ngiging ganito yung routine: Madami syang orgs, ibig sabihin mas madami syang gastusin na hihingin kila mama; madami syang orgs kaya naman madami syang oras na igugugol doon, nangangahulgan na mas kailangan nyang pagkasyahin ang oras nya pagkatapos ng klase para sa assignments at sa mga org activities, at dahil doon hindi sya gaanong makakatulong sa gawaing bahay. Ede lalo nang naasar kami ni ate, kasi pati gawaing bahay na dapat sana sya ang gagawa e kailangan namin paghatian. Kaya kami namang mga walang maturity na mga ate nya, mas lalong naasar sa kanya at lalong pinagtutulungan sya dahil sa mga nabanggit, tapos syempre bilang mga magulang na sinusubukan ang lahat na maging patas at mabuti sa lahat ng mga anak nila, kakampihan sya, kasi wala syang kakampi e, mas kailangan nya ng kakampi. Ede kami ni ate lalo lang matatanim sa isip namin na paburitong anak nga nila talaga 'to. Diba, vicious cycle.
Ngayong matatanda na kami, sumagi lang ulit ito sa isip ko, matapos kong mapanood yung reels na iyon. Napagmunimunihan ko, na masaya ako para sa kanya na nakaranas sya mag-field trip, makasali sa mga orgs, nagkaroon ng mga barkada, mas naging social. Sa isip ko, mabuti naman at naging mas well-adjusted syang tao noon dahil nagkaroon sya ng pagkakataon sa mga ganong bagay. Did I wish that I also have that kind of opportunity? Of course! Looking back at it, will I ever wish na hindi nya din naranasan ang lahat ng yon? Hell no! To the contrary, I would have wished that it was even easier for her to get all of those. Alam ko naman na nahirapan din sya manuyo kina mama na bigyan sya ng pambayad sa kung ano-anong bayarin na kailangan nya. At may mga strugle din sya na hindi namin alam, at hindi na namin siguro malalaman.
I think we resented her then. Without fully knowing kung ano ba ang ibig sabihin non, at kung ano ang naging implikasyon non sa kanya o sa amin. I blame poverty. We were just young kids not fully knowing what we were doing to her by resenting her. And she was even a younger kid than us who just want to explore herself and there is nothing wrong with that. Sana nga mas may kakayahan pa kaming tuklasin ang lahat ng mga gusto namin noong mas bata pa kami. Baka mas maganda pa ang relasyon namin kung ganon nga.
Dahil din siguro sa paginging painfully aware ko sa kahirapan namin noon kaya ganito ang relasyon ko sa pera. Hindi healthy. Kapag wala akong pera para akong nababaliw. Masyadong madaming dark thoughts. Ngayong wala akong trabaho kung anu-anong naiisip ko. Mga bagay na ayoko nang banggitin pa. Parang naitatali ko pala ang halaga ko sa pagkakaroon ng pera at trabaho, na para bang wala talaga akong silbing tao kasi wala akong pinapagkakitaan. Parati kong sinasabi na mas gusto ko ang trabaho na magiging masaya ako, pero hindi ko ina-applyan kung ang trabaho ay masyadong mababa ng sahod (whatever that means). Ine-equate ko yung kasiyahan ko sa pagkakaroon ng pera, kahit hindi naman dapat, at wala naman nagturo sa akin na ganon dapat.
Ano bang pinupunto ko? Siguro, I owe my younger sister an apology for resenting her when we were younger. Nobody deserve to be in the wrath of our resentment then.
I also owe my younger self an apology, you knew early on about life of poverty when you shouldn't. It was not your fault for wanting more, for being young and wanting to explore. You should have been young and free. We'll heal.
And to society, we should do better. No kid should experience poverty. Education should be free. No kid should have to explain why they can't pay school fees.
Tinatamad na ko mabuhay.
Yoko na.
I think I'm in my all time low.
Something is wrong with me.
Panatang Makabayan
Panatang makabayan.
Iniibig ko ang Pilipinas.
Tahanan ng aking kamusmusan.
Tahanan ng aking kinabukasan.
Panatang makabayan.
Iniibig ko ang Pilipinas.
Umaasang hawak ko ang aking bukas
At makakamit ang pipiliing landas.
Panatang makabayan.
Iniibig ko ang Pilipinas.
Kung kaya’t binoto ko ang inaaasahang wawakas.
Sa kagutuman, kahirapan na aking dinadanas.
Panatang makabayan.
Iniibig ko ang Pilipinas.
Ngunit hirap na akong sa tunay ay tumakas.
At magpikit mata sa kasinungalingang binubulalas.
Panatang makabayan.
At sa pag-ibig ko sa bayan
Ako'y naninindigan
Na ang Pilipinas sa kasalukuyan
Ay ‘di ang aking hinagap na maranasan.
Panatang makabayan.
Iniibig ko ang Pilipinas.
At sa pagmamahal kong ito
Patuloy akong natututo
Na hindi madaling makamit ang pagbabago.
Lalo na at may mga lapastangang gumagago.
Panatang makabayan.
Iniibig ko ang Pilipinas.
Ang mamatay ng dahil sayo.
Ang pinakamatindi kong sakripisyo.
Ngunit kailangan ba talagang mamatay
Para masabing sakripisyo ko'y inalay?
Lots of training attended, facilitated and managed.
What's next?
It is okay. You write well. Typos are common honest mistake in writing. Just read it again before you post.
Thank you.
Nakakasama ng loob amputa.
Mas pinili pa ng sarili kong magulang makitulog sa bahay ng pinsan ko para makipagchismisan.
Kaysa matulog sa bahay namin ng asawa ko na maginhawa at walang sagabal.
Pag hingian ng pera ambibilis, pero para magstay ng isang gabi para kumustahin ako, di magawa? Wow.
Just wow.
It's about time I write some life update.
Katatapos lang ng kaarawan ko. 32.
Tatlong dekada at dalawang taon na akong namumuhay sa mundong ito. Lagpas na sa kalendaryo, sa bingo na lang tayo umaasa. Nagkakaedad na.
Magmula siguro ng tumuntong ako ng 29 parang lumilipad na ang oras. Ang bilis bilis. Maaring ganon, o 'di kaya'y hindi lang talaga nabibigyan ng pagkakataong huminto. Magpahinga. Magnilay.
Nakadagdag pa siguro ang pandemya na talagang pinahinto ang mundo, pero pinag-aligaga ang mga tao. Sabay pinagulo, pinabilis at pinabagal ang kung ano-anong aspeto ng buhay ko.
Pagkayari naman ng pandemya, nasubsob sa trabaho, sa pagoorganisa ng isa sa pinakamalaking bahagi ng buhay ko, ang kasal namin. Tapos, pagkayari naman ng kasal, naparalisa naman sa paggalaw dahil sa pampinansyang limitasyon. Pero nagtapos naman sa kasiguruhan ng tirahan ng aking mga magulang, nabili na kasi namin ang bahay namin noong pagkabata.
Grabe ang daming nangyare. Napakadaming aral ang hindi ko nairanim sa aking isipan, kasi naman walang panahon para magnilay, kaolangan na ulit gumalaw para sa susunod na kailangang gawin.
Eto na yata yung mga taon na talagang napa-ikot ako nga husto sa gulong at barilya ng kapitalismo. Sobrang nilunod ako ng mundo sa mga obligasyon. At ginapos sa yapos ng paghihikahos. Naks!
Pero sa kabila nga noon, mas madami din namang luminaw na mga bagay-bagay. May mga relasyong lalong tumibay. Bagaman may mga pagkakaibigang di ko namamalayang nawawala sa aking mga kamay, mayroon din namang di inaasahang nabubuhay.
Ayun na nga. Nitong nagdaang kaarawan ko ng ikatlumpo't tatlong taong gulang, nagkaroon ako ng pagkakataong tumulala. Tumanga. Tumitig sa kawalan. Masaya nga pala.
Masaya nga pala. Masaya nga pala mabuhay.
Masaya nga palang mabuhay at di lang magpatangay.
Masaya nga palang manahimik at hindi marindi sa ingay.
Masaya nga palang mabuhay.
Di kailangang marangya, basta't may sapat.
Di kailangang nasasayo ang lahat.
Masaya nga pala mabuhay.
Masaya nga pala maging buhay.
Ang tagal na ng huling sulat ko rito.
Nalulungkot ako. Para akong nabubuhay sa kalungkutan nitong mga nagdaang araw. Napapansin ko ang sarili kong sinisikap iburo ang nadarama ko sa pamamagitan ng kung anu-anong pagkakaabalahan.
May kaibigan akong yumao ng biglaan.
Hindi ko alam paano ipagluluksa ang pagyao ng taong minsang naging malapit sa akin. Ng isang taong minsang naging madalas kong kausap. Ng isa sa mga taong hinangaan ko. Ng isang dating kaibigang naging matapat at totoo.
Sa pakiramdam ko wala akong karapatang umiyak. Napakatagal na kasi ng huli ko syang nakausap bago sya yumao. Napakatagal na kasing hindi ako nagpaka-kaibigan sa kanya.
Pakiramdam ko tuloy wala naman talaga akong karapatang magluksa, maging malungkot. Anong mukha ang ihaharap ko sa mga pamilya at iba pa naming kaibigan? Nasaan ba ako noong mga panahong kailangan din nya ng isang kaibigan?
Nasaan nga ba ako?
Ang hirap naman ipaliwanag sa kanya, na wala naman talagang makatuturang dahilan kung bakit nawala sya sa sirkulasyon ng buhay ko. Hindi ko na maipapaliwanag na naging abala ako sa aking buhay. Hindi ko na maipapaliwanag sa kanya na sa aking paglayo at paghahanap ng aking sariling daan ay nawalan ako ng panahon sa kanya, sampu ng iba pang mga kaibigan.
Hindi ko na maipapaliwanag sakanya. At hindi ko na mababawi pa. Hindi na ako makakabawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya. Wala nang pagkakataon.
Napapatanong nga rin ako kung may katuturan ba itong aking kalungkutan. Kinailangan nya nga ba ako ni minsan nung ako'y nawala na sa buhay nya? O kaya naman, itinuring nya nga ba naman akong kaibigan noong nabubuhay pa sya? Mayroon nga ba akong halaga o naidulot man lang sa buhay nya noong nabubuhay pa sya?
Hindi ko alam. At hindi ko na malamang malalaman kailan pa man.
Sa kabila ng mga tanong, pagdududa at mga agam-agam, hindi ko maitatangging nalulungkot ako. May kalungkutan sa aking puso sa kanyang pagyao. Bagaman kasi matagal na kaming di nagkakausap, masaya akong nakilala ko sya, na naging bahagi sya ng buhay ko sa maski saglit na yugto. At ang pagkawala nya sa mundo ay malaking kawalan ng isang makulay at maningning na nilalang.
Nakakahinayang na hindi na kita muling makikita, Mareng Mune. Nakakalungkot.
I am no ones favorite person. Not my bestfriend. Not even my husband.
I keep repeating it to myself: I'm no ones favorite person and that's okay".
But is it really?
On my 31st birthday, no one took their valuable time to make it special.
I planned my own "outing" the weekend before my birthday. I planned and paid for a "birthday eat out" for myself and my husband.
No surprises. No grand greetings.
Nothing special.
I keep repeating to myself: I'm no ones favorite person and that's okay".
I make my own day special. If I want to make it special, I will have to do it for myself. I have no one to expect it from. I'm independent that way, I tell myself. But sometimes, at the back of my mind, I wish someone would make it for me. I wish someone would make me feel special.
Until then, I will repeat to myself: I'm no ones favorite person and that's okay".
Palad
Di magkamayaw ang mga nakatuhog na kabayo
Sa paikot-ikot at paulit-ulit na matuling pagtakbo
Kasabay ng mga taong nagkakagulo-gulo
Sa pamimili ng mga gamit sa paroo’t parito.
Nagtama ang ating mga mata.
Ngumiti ka. Nagkasabay pa sa salita,
“Napakaraming tao dito!”
Pangising ngiti ang tugon natin nito.
Nagsalo sa madaming pagkain.
Tumawa ng walang iisipin.
Ninais na ika'y kilalanin
At samsamin ang iyong damdamin.
Magkasabay na sumilip sa kwento ng alamat
Ng makatang mangaawit na hinangaan ng lahat.
Habang ating katawan ay naglalapat
Kinikilala ang bawat bahagi ng ating lamat.
Pinagtugma na lang kaagad-agad
Sa bawat mga kwentong inilahad
Sa mga bukas na hinahangad
At paglalakad natin ng makupad.
Lumipas ang gabing ang oras ay nasaan,
At ang bagong umaga'y inumpisahan
Sa kampanteng pakiramdam
Na naninigurong pinagtagpo tayo ng paham.
Masinsinang ibinulong ng tadhana
Na ang iyong puso ay hinulma
Para aking pakaingatan.
At ang aking puso'y hinubog
Na sa kuyom niyong palad mapaloob.
Dati-rati, karakter ka pa lang sa tula ko, ngayon asawa na kita.. Yeeee.
Bakit kailangang limusin ng mahihirap ang serbisyong karpaatan naman talagang matamasa? Sa panahon na ito lumilitaw ang lahat ng kulang at kapos sa ating sistema. Tumitingkad ang mga paglabag sa karapatang pantao. Walang maayos na plano ang pamahalaan. Walang maayos na trabaho ang mamamayan. Kakaunti ang politikong may mabuting hangad sa sambayanan. Marami pa din ang nagsasamantala.
“Limos”
#artinthetimeofcorona #artinthetimeofcovid #artinthetimeofquarantine #artistsoninstagram #artistontumblr https://www.instagram.com/p/B-cLFeJhIVV0gjC-IzxudH3e1QFL6zub_iQfyw0/?igshid=1qog6n5m3a2ab
Golden. Di naman talaga maganda. Kinakalawang na nga ako mag-paint. Pero ano naman, para naman 'to sa akin at di naman para sa iba. Hahaha. (at Rodriguez, Rizal) https://www.instagram.com/p/ChcHrxuBXfzuhngKAOgPrH7_UoMhgjdVcDwNg80/?igshid=NGJjMDIxMWI=
It has been faaar tooo long since I allowed myself to have this silence. To just feel the calmness. To relax. Thanks self you deserve to not do anything even just for a day. (at Rodriguez, Rizal) https://www.instagram.com/p/Chb2qHZhaqKjEm19uL8Gp846xyT4CpDOdToKJs0/?igshid=NGJjMDIxMWI=