The other night.
Late ko na na-open yung phone ko para making kay Papa Jack. I think yung guy na tumawag sakanya eh may girlfriend ata for 2 years, tapos ewan. Parang nagmamayabang ata or what kaya hiniwalayan nung girl. Yung guy umiiyak siya on air. Natuwa ako dun sa guy. Kasi finally lumabas yung soft side niya. Naipakita na niyang mahal niya talaga yung girl. Minsan kasi yung guys sobrang ma-pride eh. Ma-pride na, mayabang pa. Kala mo kung sinong hari. Pero, ang sarap sa feeling kapag yung ganung lalaki napabago mo.
May kaklase ako last year. Haha. Madaming nakakakilala dito. Sigurado ako diyan. Lalo na yung ISA DIYAN. Lels. So, ayun nga. Kaibigan ko siya. Yung guy na yun, sobrang mahangin. AS IN. Madaming babae pa nagkakagusto. Pagkakamali lang nila, nagkagusto sila sa lalakeng mahangin. Hindi kasi nila alam yung ugali niyang yun eh. Muka kasi siyang inosente pero hindi siya inosente. Madalas naiinis ako sakanya kasi nga sobrang yabang niya. Akala mo kung sino. Pero, napagsasabihan ko naman yun ng mga secrets ko. Problema nga lang, pinang-bablackmail niya saakin yung mga yun. Pero wala pa din akong tigil. Nagcshare pa din ako sakanya. Tapos madalas may pustahan kami. Kapag makikipagpusta ka sakanya at alam niyang matatalo siya magba-back out yan. Pero kapag sure win, pusta ng pusta yan. Hindi naman money yung pinagpupustahan naming, more on gawa. Anyway, ayun nga. Yan si guy, ni isang beses hindi pa siya nagmahal. Yung as in for boy-girl relationship. I know what’s the reason, medyo nakakainis kasi lumabas pa din ang pagkayabang niya pero hindi ko na sasabihin kung anong dahilan. Naisip ko lang na kapag na-in love siya. Ang swerte ng unang babaeng mamahalin niya. Lalo na kung mapapabago siya. Ay nako talaga. XD Kasi hindi talaga siya nai-in love. Sabi niya ang papanget naman daw kasi ng girls na nagkakagusto sakanya. (You see what I mean?) Lels. Balang araw makakahanap din yan ng katapat niya. May makakapagpaiyak din sayo. At kapag nakita kitang umiyak, tatawa ako ng bongga. Alam niyo kung bakit? Kasi nung kasagsagan ng pagiging bitter much ko (ngayon bitter na lang wala ng much. HAHA) tinatawanan niya ako. -.- Lalo na siguro nung nabasa niya yung personal blog ko. Hagalpak siguro siya nun. x) Ayun luuungs. Na-ishare ko lang naman sainyo.
Kung sino man ang nakakakilala sa lalakeng yan, wag niyo ng ireply pa ang pangalan niya. Lels. Lehz all keep it private.












