He's the best distraction ever.
Di ko na ilalagay pangalan niya. Pero alam niya kung gano niya ko napapasaya. Maraming taong nagjujudge sakin. Kung anu ano pinagsasaabi sakin. Pero siya hindi niya ko iniwan, lagi niyang pinapalakas yung loob ko. Pag niyakap niya ko, I feel safe na parang walang kayang umaway sakin. Let's face it, taken na siya. May girlfriend siya at matagal na sila. Pero anong ginagawa ng girlfriend niya sa kanya? Kinakalimutan na parang wala lang. Alam ko maling makisingit sa relasyon nila pero siya yung mismong lumalapit at nagpupunta sakin pag hindi na niya kaya.
I feel so comfortable pag kasama ko siya. Tapos pag tumutungo ako tas malungkot ako, bigla nalang niyang lalaruin yung buhok ko tas sasabihin niya " Prinsesa ko, wag ka na malungkot, andito lang po ako. :) " GRABE. Parang yung pagsabi lang niya na yun, masaya na ko. Tapos yung yakap niya na mahigpit parang ayaw na niya ko bitawan. Ako rin ayaw ko siya bitawan. :( Tapos yung di ko lang siya matext kung nasan ako o anong ginagawa ko nagtatampo na siya. Parang kahapon, di lang ako nakapag text, sobrang tampo siya, ako naman todo lambing. Grabe fre, pahirapan maglambing, pero we ended up sleeping na walang tampuhan o awayan.
Di ko alam kung hanggang kelan ko mararamdaman tong ganitong saya alam ko di to permanente pero alam ko magtatagal to. :)
Mali man yung ginagawa namin pero..........
MahalKoPrinsipeKo. <3














