[Work Vlog #1] Home Visitation in support to SDO Rizal's Proj AKAP (Anak, Kumusta Ang Pag-aaral)
Hindi pa man uso ang Project AKAP ay nagho-home visit naman na kaming mga teachers. Lahat yan ng teachers sa buong Pinas ha, hindi lang kaming mga taga-Rizal. Napaigting lang lalo ngayon ang pagdalaw sa mga bagest, syempre para kumustahin na rin namin sila, ang welfare nila and mental health, and their life in general. Ito rin ay para masiguro na maayos ang condition nila sa pagbabasa at pagsagot ng kanilang study materials.
Maganda ang panahon today--hindi ganun katindi ang sikat ng araw, hindi rin naman ganun kalakas ang ulan. Tamang ambon lang. Kaya lang ako banas na banas today dahil ang init sa mukha nung face shield! Basang-basa tuloy yung forty pesos kong bangs. Hahahaha. Buti na lang sinamahan kami today ni Teacher Kacelyn Espino (staff sya sa school namin and volunteer din sya na maging LR Kiosk yung bahay nila) kaya di kami na-stress sa paghahanap sa bahay ng mga learners namin. Shoutout din kay Ma'am Junelle Niones na matiyagang nag-drive para marating namin ang Brgy. San Miguel (Bayan), Sitio Kaytago (Brgy. San Miguel), Sitio Rumaguit, Sitio Ibabaw, at Dulongbayan St. (Tabing-Ilog/Brgy. Santiago).
So ayun... Seryoso nga... Mahirap nga naman talaga ang printed modular distance learning, pero kailangang lumaban lang nang lumaban tayo pare-pareho, mapa-teacher ka man o student o parent o guardian. Syempre para sa layf and para sa future ng mga mag-aaral ng generation na ito. Wag nating biguin si Rizal ganorn :)
Sana maganda ulit ang panahon in the next few days, so we can visit our other students pa.
P.S. Di ako nagsasabi kung kailan pupunta, hane? Sugod-bahay lang ang peg. Hehehe. Saan kaya ang aming susunod na adventure?












