November 18 — Retreat — Day 1 — Focus, Apply, Faith.
"Focus, Apply, Faith. That is how you pray."
9:30am palang papaalis na ako ng bahay hehe. Pero ang call time namin talaga ay 1pm. Dami ko kasing gagawan ng retreat letters tas wala man lang akong glue na nabili kabobohan no? =)) Yun. tas nagkita kami ng kaklase ko sa school, gumawa ng retlet, eh nakalimutan kong dalhin yung nametags para sa section namin, arat nanaman sa compshop, nagpaprint, deputs, di na nag-init pwet ko sa mga inuupuan ko =))
1pm nakaalis na kami. County sinakyan, sakto mga kasama ko pa medyo maiingay, pero okay lang yun, masaya. Ang corny nga eh, hindi mahaba yung biyahe. O baka di ko lang napansin?
Nakarating kami mga sa Betania Retreat House sa Tagaytay ng mga 3pm. Inorient muna kami nung isang madre doon na bawal mag-ingay, siyempre, retreat house yun eh. Tapos, kumain muna kami saglit. Sarap ng sopas hehehe may fishball. Pagkatapos ng snack, nagpakilala na sa amin yung speaker namin, si Father Mayk, or nakilala ko, di kase ako umattend ng recollection last year eh. Nung una parang ang chill chill niya lang magsalita, pero habang tumatagal, natatawa ako sa mga pinagsasabi niya, "VERY GOOD!" "NAKAKATUWANG BATA!" "MAY KWENTO AKO, TOTOO!". Sa mga di nakakaalam, medyo may pagkamababaw po kaligayahan ko, magtinginan lang po tayo matatawa na ako HAHAHAHAHA!
Pero siyempre hindi sa lahat ng pagkakataon tawanan, may natutunan din naman kami.
Focus, Apply, Faith. (How to pray)
Wag mahiyang magreklamo sa Diyos. Dapat maging open sa kanya.
Wag kung saan saan nakatingin habang nagdarasal. Focus nga diba.
Being one of God's children is a big blessing already.
Kwela si Father Mayk, pagkatapos nung Evening Prayer Session namin, siyempre matutulog na kami. Ganito si Father Mayk.
"O, para sa mga walang toothbrush diyan, puntahan niyo ako sa kwarto ko sa right wing, P5, knock on my door at sabihin niyo lang 'Father wala po akong toothbrush,' at bibigyan ko kayo ng toothbrush, slightly used."
"Para naman sa mga walang girl thing (napkin) knock on my door, right wing, P5. Sabihin niyo 'Father wala po akong girl thing,' at bibigyan ko kayo, kakatapos ko lang last week may natira pa."
Nakakatawa diba? Kaso binabasa niyo lang kaya yang mga mukha niyo paniguradong parang binagsakan ng semento.
Mga 10:30pm na kami natapos, at ang karoom mate ko, masasabi kong di ko kaclose, pero nakakausap ko naman hahahahah.
Masaya siya, tahimik.












