Mahal na mahal kita pero ang sakit sakit na -Popoy to Basha Tulad ni Popoy, kailangan kitang pakawalan para mahanap mo ung totoong ikaw, para mabawi ko din ung dating ako na nawala noong minahal kita. Wow! Sa dami ng taong dumating sa buhay ko, ikaw lang ulit ung nakatunaw ng nagyeyelong puso ko. Salamat. Kala ko kasi wala na akong puso, meron pa pala. Broken lang pala pero hindi missing. Sorry sa pangungulit ko, alam kong nakakairita. Kala ko kasi somehow, I can change your mind. It will get worse lang pala. Pagod na kasi ako umiyak. Alam mo un, hindi bagay sakin. At alam kong ayaw mo din gawin ko un. Salamat for being a good friend. Namimiss ko na un, ung sandalan at takbuhan ko ng reklamo ko sa buhay. Hahaha. Pero okay lang, I won't force you to stay. Sobrang kulit ko na at sobrang naaawa na ko sa sarili ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ulit magsisimula pero kahit gaano kahirap ang importante magstart ulit (para sa ekonomiya) Sana pag ready ka na, maging magkaibigan tayo ulit. Salamat kasi pinaramdam mo sakin sa sobrang ganda ko (haha) naappreciate ko lahat ng effort at time na binigay mo sakin lalo na ung surprises and letters. I really loved them. I'll pray for your happiness the way I pray for mine. Hindi ko man nasabi dati na mahal kita, well sasabihin ko na kahit sobrang late na. Mahal na mahal kita. Mag iingat ka palagi. For the pain I've caused you, I'm really sorry from the bottom of my chinita heart.