Publika bonfarto
(Nekonata aŭtoro. Elportugaligis: Júlio Pedrosa.)
View On WordPress
seen from United States
seen from United Arab Emirates

seen from United States
seen from Austria
seen from Germany

seen from United Kingdom
seen from Germany
seen from China

seen from United Kingdom

seen from Russia
seen from United States
seen from Japan

seen from Ireland
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States
Publika bonfarto
(Nekonata aŭtoro. Elportugaligis: Júlio Pedrosa.)
View On WordPress
Publiko, pinayuhang agahan pa ang biyahe dahil sa titinding trapiko
Pinayuhan ang publiko na mas maagang simulan ang oras ng pagbiyahe dahil sa patuloy na mararanasang trapiko sa mga kalsada ng Metro Manila.
Publiko, pinayuhang agahan pa ang biyahe dahil sa titinding trapiko
Publiko, hinikayat na huwag nang magpaputok sa pagsalubong sa bagong taon
Nadagdagan pa ang bilang ng fireworks-related injuries na naitala ng health department.
Publiko, hinikayat na huwag nang magpaputok sa pagsalubong sa bagong taon
Ang Carpal Tunnel ng Lipunan
Lately, wala akong ginawa kundi mag-browse at magreklamo sa mabagal na serbisyo ng aking internet provider. Magda-dalawang araw na din akong ganito. Kasunod yan ng pagsu-suspinde ng minamahal kong gobernador sa mga klase dito sa lugar namin (Thanks, gov). Idagdag mo pa dyan ang pagkalat ng video ng isang child star na diumano’y … Basta!
Lalo lang akong nagkaroon ng dahilan para hindi lumabas dito sa lungga ko. I mean. Wala namang bago diba? Pag lumabas ako, mababasa lang ang bumbunan ko ng ulan. Pointless lang ang pagsilip ko sa mundo.
Nagbago lang yan nung halos wala pa akong limang minuto sa pagpikit ay bigla akong may narinig na sirena..“Syet, baha na naman ba?”
Alas-kwatro ng umaga, pupungas-pungas akong bumangon at lumabas ng bahay, pero bago pa man ako maki-tsismis sa mga natatanaw kong tao sa labas, siniguro na agad ng pinsan ko na malaman kong may nasusunog na establishment sa hindi kalayuang lugar.
Anak ng … Sayang ang pagbangon ko, pero buti na lang minulat ko pa lalo ang mga mata ko. Aba, hindi naman pala talaga sayang. Baha talaga! Pero hangaang paa lang naman. Pero ‘tol, baha pa din yun e.
Mula sa malalim na pagtulala ko sa tubig-baha na nasa harap ko’t kinalulubluban- Naalala ko ang aking barangay ID na may malaking mukha ng aming kapitan bilang background. Ilang tao na naman ba ang isisi ang pagbabaha sa mga kaawa-awang barangay officials na sila din naman ang naghalal?
Hinanap ko tuloy ang official page ng aming barangay sa Facebook. Voila! Mga pictures ng kalsada na apaw na sa baha, mga esterong mas malaki pa ang volume ng basura kesa sa mismong tubig, at mga batang lumalangoy sa kulay burak na tubig.. Kinambiyuhan pa yan ng mga caption na “Aksyon ang kailangan namin.”
Bata pa lang ako, aksidente kong nalaman ang konsepto ng baha. ‘Yan ay noong itapon ko ang isang tabo ng basang papel sa lababo namin. Sinegundahan yan ng pagpingot ng tatay ko (SLN) sa tenga ko sabay buhos ng liquid sosa sa drain.
Pero nandun na yung punto, bumaha ang lababo dahil sa engot na batang tapon ng tapon sa daluyan ng tubig. Hindi ko sinisi ang pag-apaw sa contractor, inhinyero, arkitekto at kung sino pang utak sa pagkakagawa ng nasabing lababo.
Siguro natural lang na ugali ng mga Pinoy ang magalit sa mga opisyal ng gobyerno kapag may hindi magandang nangyayari sa paligid niya. Mapa-tanod man o Presidente ng isang bansa, pwedeng maging biktima. Isang natural na katangiang maaring ipinamana pa sa atin ng mga ninuno natin. Ikaw ba naman ang tawaging hampaslupa ng kulang-kulang apat na siglo; Magtiwala sa mga “friends” from America at maglaon ay pamamahalaan ka din ng hindi patas; Pamahalaan ng isang diktador na may asawang shoe collector habang ang kanyang mga mamamayan ay hirap bumili ng simpleng tsinelas.
Ang masama nga lang, mayroon din yatang natural na ugali ang Pinoy na hindi makita ang mga pagkakamali at kontribusyon niya sa ikinasisira ng paligid niya.
“Who says life is fair, where is that written?” - ika nga ng isang batikang nobelista. (Malas mo, kap)
Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ng ating “mga minamahal” na lider ng bansa noong mapakinggan nila ang balitang may apat na magkakahanay na bagyo ang tatama sa Pilipinas, hanggang sa mga oras na kumulimlim na ang kalangitan. Napatakbo kaya si Meyor sa altar niya sa kanilang kuwarto? Napa-“Ang Tanda” ba si Gob sa takot na dala ng bagyo ng mga estudyanteng nagtatanong kung suspendido ba ang klase? Bumili ba si Kap ng isang dosenang kandado para sa bahay nila?
Pasalamat na lang sila at medyo hi-tech na ang mundo ngayon. Kung dati’y isang barangay ng itak at sulo ang sasalubong sa mga taong kinasusuklaman ng pamayanan, Ngayon basta may telepono kang nakakapag-facebook makapangyarihan ka na. (Swerte ka pa rin naman pala, kap).
Pero maiba tayo. Naaalala mo pa ba yung kinain mong tsiklet, kung saan mo inilagay yung pinagbalatan? Yung plastik labo ng barbecue na binili mo pagkatapos ng mahirap mong exam sa algebra? Yung upos ng yosi mo matapos mong magpaka-cool sa bawat hithit? Eh yung container ng java chip na in-order mo sa starbucks kasabay ng yosi mo? Tanda mo pa?
Ako, alam ko. Nakita ko yun kaninang umaga kasabay ng sirena ng bumbero, nasa kanal sa harap ng minamahal kong bahay. (In fairness, ang daming sauce nung barbecue mo ha? Type ka siguro nung nagtitinda)
Anak ka ng magulang! Wala ka din palang pinag-iwan sa engot na batang nabanggit ko kanina e. Pareho lang kayong tangengerts! Ang pinagkaiba nga lang, may isip ka na ... Di mo lang ginamit. Dapat sa’yo pinipingot sa tenga e.
Si meyor, humingi ng badyet para bumili ng trak, para yung mga basurang inihagis mo sa kanal namin, maitapon ng maayos. Si kap, binawasan yung kalsada mo, para may dadaluyan ng tubig na nanggaling sa bahay ninyo. Ikaw? Anong naging aksyon mo?
Hindi naman ako nagagalit. Ang sa akin lang, maawa naman tayo kay Kap. Baka pati yang Carpal Tunnel Syndrome mo sa kata-type ng sumbong mo tungkol sa kakulangan niya ng aksyon, ay maisisi mo pa din sa kanya.
Maging mas matalino ka dun sa engot na bata. Pingutin kita d’yan e. Ang hirap-hirap humanap ng Liquid Sosa na tatalab sa estero.
Eka, malamig na yung kape ko...