Ang barangay Ginebra San Miguel, ang pinakakilala na Basketbol Team ng Pilipinas. Isa ito sa mga koponan na laging paborito ng mga Pilipino. Ito’y dahil sa nakaraan nitong makulay na istorya at ang pinakapagkakilala sa koponang ito ay ang “never say die” na motto nila.
Paborito ng mga Pilipino ang Ginebra dahil nakikita nila ang buhay nila dito, mag tataka kayo kung bakit ngunit sa realidad kung titignan mo ng malalim-lalim ay mabibighani ka. Una Nakikita nila ang laban ng puso. Ang mga Pilipino ay hindi basta-basta nagpapatalo. Ang mga Pilipino’y hindi nag papaapi, sila ay hinaharap ang buhay ng may tindig ng espirito ng “LABAN”. Malaki man, sobrang talino man, sobrang hirap man ng sitwasyon; ang mga Pilipino ay hindi sususko gagawin ang lahat para magtagumpay. Kung kaya’t ang “never say die” motto ng koponang Ginebra ay supportadong supportado ng Pilipino. Syempre din naman tuwang tuwa din sila sa galing na ipinapakita ng Baragay Ginebra, lalo na ngayong komperensya ay sila’y nasa top 4 ng standings. Walang kupas ang galin ng Brgy. Ginebra ang people’s champ. Mula sa naunang Robert Jaworski , Willie miller, At ang fast and the furious duo nila Mark Caguioa at JayJay Helterbrand at ngayong henerasyon Nila Japeth Aguilar, Greg Slaughter, Scottie Thompson, at ang Tinyente LA Tenorio; walang sawa silang lalaban at ipapakita ang pusong hindi nag papatalo ang ginagawa ang lahat para sa Koponan at para sa ikasasaya ng bayan. Tulad rin ng mga Pilipinong nagtratrabaho para sa pamilyang minamahal at inang bayang ipinaglalaban; Sa mga Pilipino din na OFW na syang bayani ng henerasyong ito, lahat sila ipinapakita ang “never say die”. Kahit anong hirap ng buhay ay pursigido silang lumaban para sa kanila, pamilya nila, at ang bayan.




