Joke...
Hindi lahat ng bagay eh dapat i-joke. Tulad ng "Gusto kita. Joke lang!" pero ang totoo eh yung joke na yun ay totoo nga. Dinadaan mo lang siguro sa ganun kasi natatakot ka sa magiging reaksyon niya. At kapag dumating sa punto na umamin siya sayo eh bigla na lang siya di maniniwala kasi alam niyang mahilig ka mag-joke. Dahil hindi lahat ng bagay eh dapat biruin, kasi minsan dun nawawala ang tiwala sayo ng isang tao. Seryosohin rin ang mga bagay kapag kailangan na talaga.












