
seen from United States
seen from Norway
seen from Austria

seen from Norway

seen from United States

seen from Türkiye

seen from Türkiye

seen from Singapore
seen from Norway
seen from Vietnam
seen from United Kingdom

seen from Türkiye

seen from Australia

seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States
seen from Russia

seen from United States

seen from Estonia
seen from Türkiye
mag-ingat ka tula, 3/07/17
mag-ingat ka hindi dahil may delubyo ang kalikasan walang bagyo o lindol na paparating pero- mag-ingat ka maaring hindi ka bahain ng buhos ng ulan hindi guguho ang mga dingding ng tahanan pero mag-ingat ka dahil kung hindi unos ang sasapit baka mundo mo ang mawasak ang puso mo kaya- mag-ingat ka
maaring hindi tubig mula sa mga ulap ngunit luha sa iyong mga mata at marahil hindi mga mga bitak ng nawasak na pader pero mga piraso ng nadurog mong puso mag-ingat ka
mag-ingat ka dahil ako mismo naranasan ko na ang yumakap sa bagay na kaytagal kong hiningi sa pakiramdam na kaytagal kong inasam sa taong, kaytagal kong hinintay kaya nung sa wakas sa wakas makuha ko wala kong ibang naramdaman kundi saya, mas masaya pa sa masaya maligaya, hindi hindi ko maipaliwanag tahanan pakiramdam ko ako’y nakauwi na sa piling ng taong matagal nang nag-aabang, naghihintay masaya at mas masaya pa sa masaya dahil nakaramdam ako ng seguridad
hindi sa loob ng kwarto ko kung san kami ay magkasama hindi sa loob ng bahay nya kung san kami halos tumira kundi sa kanya sa kanya na nagparamdam sakin kung ano ang- sigurado
oo sigurado akong namalagi at nanatili sigurado akong nagmamahal at nagpapalalim- ng pakiramdam ng nararamdaman ng pagmamahal na ngayon ko lang naramdaman sigurado akong pagmamahal lang ang laman ng puso, ng isip ng lahat ng bahagi ng aking katawan sigurado
kaya pinalalim ko nang pinalalim hanggang sa ako’y malibing sa hukay na ako rin ang patuloy na nagbungkal dahil akala ko bukal ang lahat mag-ingat ka
dahil sa masasayang bagay mo aanyayahan ang delubyong hindi mo kailanman inasahan mag-ingat ka dahil sa kabila ng mga akala mo ay ang pagwawalangbahala nya at sa kabila ng pagpapatuloy mo ay ang pagbabalak nyang di na ituloy pa mag-ingat ka
sapagkat sa pakiramdam na nasa langit ay ang di mo inaasahang pagbulusok pabalik sa kalungkuntan sa lugar na di mo naman ginustong puntahan at di kailanman naisip na patutunguhan mag-ingat ka dahil sa bawat pag-angat ay mas lumalapit ka sa sakit ng pagbagsak
kumapit ka sige hangga’t may nakikita ka kumapit ka dahil alam mong ikaw lang ang humahawak ang may pinanghahawakan dahil matagal na nyang binitawan ang lahat noon pa man mag-ingat ka
mag-ingat ka sa kanya dahil ako man ay nakaranas na na maniwala sa di totoo na tumingin sa liwanag na kumapit sa natitirang kakarampot na pag-asa kahit ang totoo’y isa lang syang malaking paasa
mag-ingat ka sa mga pangako ng magandang buhay sa mga pangako ng pagmamahalang tunay mag-ingat ka dahil sa pagtingin sa magagandang bagay hindi mo malalaman na pumasok ka na sa mas matinding sakit sa mas matindi pang pait sa delubyong mas matindi pa ang hagupit sa kahit anong unos na naranasan mo na
mag-ingat ka dahil higit sa bagsik ng kalikasan ay ang sakit na dulot ng sangkatauhan at ng nag-iisang taong iyong pinagkatiwalaan mag-ingat ka dahil hindi lahat ng galing sa bibig ay pawang katotohanan at hindi lahat ng pinaparamdam ay wala na ngang hangganan
mag-ingat ka hindi ko man masabi sayo ng diretso pero ito lang ang alam ko dahil sa akin mismo ay pinaramdam nya mag-ingat ka ngayon pa lang magpakatatag ka ngayon pa lang maghanda ka sa paglunod nya sayo sa kasinungalingan sa pagyanig nya sa iyong daigdig gawa ng pekeng kasiyahan sa pagpipira-piraso nya sa kung anong meron ka mag-ingat ka
muli dahil ako’y pinatay nya sa lahat ng nararanasan mo ngayon at sa lahat ng ipinaranas nya pagkatapos ng lahat ng meron mag-ingat ka
sinasabi ko sayo mag-ingat ka
Sa susunod na isipin mong kulang sa pagmamahal ang daigdig na ito, sana ay makatagpo ka ng pag-ibig na ibubuwis ang masaktan at makapanakit manatili lang sa piling mo. Ang pag-ibig ay desisyon na parating may kapalit na sakripisyo. At kung ikaila ng mundo ang silbi ng pag-ibig dahil hindi nito kayang maging sapat, magpasya ka para sa sarili mo: PIPILIIN KO ANG PAGMAMAGAL SA KABILA NG LAHAT.
- Juan Miguel Severo