Maaga aga naman akong nagising kanina. Gutom ako kagising ko. Hindi rin naman kasi ako kumain nung Tuesday. Bread and coffee lang. I want to look my best on Sunday kung pupunta man ako kanila Raffy. Ayaw ko naman kasing isipin niyang naghiwalay lang kami e pinabayaan ko na ang sarili ko and that he made the right decision of leaving me. No. I’m going to give him something to regret about. And so, kumain ako ng breakfast. First time kong magluto ng pancakes. Nag crave kasi ako for some maple syrup. Okay naman siya pero parang magastos sa itlog ginawa ko. Okay siya actually, fluffy and hindi greasy. However, online kasi ako sa laptop nun habang ginagawa ko mga pancakes so medyo nasunog sila. Hahaha. I mean dulok lang naman ng konti yung taas. Pero hindi naman naapektuhan yung taste. Okay padin naman.
Then umuwi din si mama kaagad. Galing lang niyang makipag libing sa ka district ata nila, and so pinagbaon niya ako nung binili niyang banana cake.
Nagaabang nako ng jeep sa may labas ng bahay nang biglang umulan ng bonggang bongga. And kahit may payong ako, grabe na yung nabasa saken pero wala paring tigil yung ulan. Wala akong choice kundi sumilong muna para hindi naman mabasa ng todo. Nakita ako ng may ari ng tindahan, naikwento niya na pamangkin pala niya yun lalaking laging naka cap at all black. Dati ko pamanding crush yun. Then yun. Muntikan pakong malate kanina sa oras kasi ang nga sa lakas ng ulan, hindi tuloy ako nakasabay sa shuttle. Nagcommute ako pero buti nalang umabot ako.
Okay naman yung shift, hindi naman ganun ka toxic talaga. Then after shift, dumaan ako sa Walking Street para bumili narin ng kimchi kaya hindi nako sumabay kay Cathy kahit uuwi siya. Magsa San Fernando din naman siya e. Nakachat ko pa si Brian kauwi ko. Madalas na ata siyang busy ngayon at pagod since tinutulungan niya yung kapatid niya sa baby nito. Hindi ko alam kung nagiging clingy naba ako sakanya or nagiging cold siya. Namimiss ko na siya. Pero ayaw ko namang ipagsiksikan sarili ko sakanya or magpahalatang baliw na baliw ako sa kanya. Pinakita niya saken baby ng kapatid niya. Super cute. 😊😊😊😍 Gusto ko ring magkaroon kami ng ganoon. Hahaha. Yun nalang muna for now.