Honestly, I do find it amusing, and it makes me smile kapag ginagamit ang el noli headcanons ko para sa works ng iba? Wala lang, masaya ako dahil parang naa-appreciate ninyo 'yung ideas ko? To the point na pati iyon ay gagamitin ninyo na rin? Astig!
I've read fics na "Isagani Florentino" ang full name ni Gani; or someone used the nickname “tamadeo” for Tadeo, o Mariclar/ Clarita/ Claribels for Maria Clara in a modern AU, ganu'n. O kaya kapag ginamit ninyo 'yung headcanon surnames ko for the tropang nerds, at pati ang mga binibini.
I don’t expect people to credit me for every single detail, sa totoo lang. I’m not possessive about these things I share dahil communal space naman ang fandom. Lahat ng effort na nilalagay ko para sa el noli, hindi na lang ito “ sa akin lang,” kungdi pagmamay-ari collectively ng “fandom natin.”
Gayunpaman, sana maging maingat tayo sa pagkuha-kuha, sa paggamit-gamit. Huwag naman tayo mang-angkin na parang kayo ang may-ari. Hindi na nga kayo pinipigilang gumamit (at ‘di ko nga hinihinging ma-credit, tbh) but the least you can do is huwag ninyo sabihin na as if kayo lang ang may-ari ng (mga) idea na sine-share collectively? Iwasan umangkin ng ideya ng may-ideya po! ‘Yun lang. Oks, back to our lives, mga kaibigan!









