Rant #198: Nagkakilala kami dito sa tumblr. bigla niya kasing akong minessage, natuwa ako kasi bihira akong maka-tanggap ng messages. Tapos madalas na kaming mag-usap, in-add niya ako sa fb, finallow niya ako sa twitter, ganun. Tapos one time nadulas siya na gusto niya daw ako, okay lang naman sa akin. Yun pala may girlfriend siya, hindi ako nagalit or anything kasi hindi naman mutual yung feelings, naka-usap ko pa nga yung grilfriend niya okay naman siya hindi siya nagalit or anything alam niya pa nga na may gusto sa akin yung kasintahan niya.
Ewan ko lang ngayon kung ano status nila ng girlfriend niya.
One time nagalit ako sa kanya ilan araw ko siyang hindi kina-usap, siguro mga 3 days. Finally kina-usap ko na siya, nag-sorry siya sabi ko "okay lang" tapos ngayon araw (May 4, 2014 Sunday) kung ano-ano yung sina-sabi niya (nagpapa-rinig) yung ang feeling niyang "kami" kahit hindi naman. nakaka-inis lang. Yung akala niya may gusto din ako sa kanya kahit wala naman. nakaka-inis ka na po.
sana ma-realize mo na wala akong gusto sayo. Kasi kung umasta ka akala mo meron.